M6 Twist ng 'PBB Unlimited': Nakakasama o Nakakabuti?


Share



Halo-halong reaksiyon ng mga viewers at fans ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' sa bagong twist ni Kuya na muling pagpasok sa PBB House nina Rica, Beauty, Franzen, Baron, Luz, at Kigoy, na mga ex-housemates mula sa iba't-ibang season, na tinawag ngang M6.

May ilang natuwa dahil sa tinagal-tagal ng nakakaantok na season na ito ay ngayon lang nagkaroon ng matinding ganap at natutuwa din sila dahil nakikita nila kung paano magalit o makita ang iba side ng mga natitirang Housemates.

Pero mas marami ang naiinis at di nagugustuhan ang twist na ito dahil wala raw magandnag dulot ito para sa mga manonood at Housemates. Isa raw itong anyo ng bullying. Bakit daw ganun ang pamamaraan ni Kuya para lang maipakita ang totoong ugali ng mga Housemates, hindi daw pwede gawing batayan ng pagpapakatotoo ang pagpapakita ng galit ng isang tao.

Para sa akin bet ko ang M6 (twist) at effective ang karamihan naging miyembro ng M6. Naaaliw ako sa M6. Siyempre may iba't-iba tayong panlasa at pananaw, kayo para sa inyo ano masasabi ninyo sa bagong twist ni Kuya?

Photo by Mikee


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

19 Comments

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 9:11 PM | Permalink

    Nakakatuwa kaya. lalo na nung sinabihan ni kigoy si pamu na nakita sa LS, yung nakakita ka lang ng gwapo pinagpalit mo na boypren mo.

    tsaka di ba "teleserye daw ng totoong buhay" ang pbb eh di okay lang na may ganun kasi sa real world may mga ganyang pangyayari, makakahalobilo mo ang ibat ibang klase ng tao lalo na yung mga nakakairita at susubok sayo.

    BV lang ako sa mga ayaw sa m6. anong gusto nila safe environment lagi? gusto yung boring. yung may task lang tapos gagawin hanggang big night na. o kaya puro MuVin moment lang trip panoorin. Ewwwwww

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:23 PM | Permalink

    Nakakaloka! pati tunay na ugali ni paco lumabas na talaga.kung sabagay dati na syang masama kaya di sya masyado nag-effort.

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:25 PM | Permalink

    Nakakalungkot namang isipin na kailangan pang may magpakasama para lang masabing nagpapakatotoo.para kay kevin yung word na "plastic".pa-safe sya. no reaction...

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:36 PM | Permalink

    suuupeeer kakainis ang PBB ngayon. d rin me favor sa pagpasok ng M6. wala n b kau maisip na iba ipagawa sa housemates? super oa c paco, dapat tagal na pinalabas yan. sya ang plastic. c baron over din, super oa. mas maganda pa episode nil lola & lolo. ska sila jason & melay.

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:36 PM | Permalink

    See... si paco ang nakikita nyang may tinatago daw ay si Divine, Slater at Carlo...Nakakaloka sya diba? Di talaga sya fare... I HATE PACO...Bakit d nya nakikita si kevin, seichi at PAMU?

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:41 PM | Permalink

    PALABASIN C PACO! tanga nman decision sa PBB madaya! poor PBB!

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:44 PM | Permalink

    i agree!

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 10:49 PM | Permalink

    Paco lumabas ka na bahay ni kuya. Ikaw ang plastic!

  • gravatar Anonymous
    February 28, 2012 at 11:25 PM | Permalink

    mga teh, umayos kau, PACO must stay !!!

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 12:48 AM | Permalink

    sa aking palagay hindi ito mabuti kase tama ang sinabi ng isa sa inyo di nman kailangang ilabas ang kagaspangan ng ugali o galitin pa ang isang tao upang sya ay magpakatotoo... yun lang din ang di ko maintindihan sabi ni Toni ang PBB ay ang TELESERYE NG TOTOONG BUHAY....kung yang ang teleserye ng totoong buhay I can't imagine how they define ang tunay na buhay nating mga Pinoy.... Napaisip tuloy ako at nag tanong sa sarili ko ganito ngaba tayong mga Filipino ... hindi ba kilala tayong mga Pinoy sa buong mundo bilang isa sa pinakamasayahing tao sa buong mundo bakit hindi yun ang ipakita bakit kailangang magpakita ng kagaspangan ng ugali.... Agree ako about the comment kay Paco hindi ba ang task nya ay may kalakip na pera ... kung sa palagay nyo si Paco eh still official housemate do you think makikita natin ang totoong sya o maaring ang ipinapakita na nya ay ang totoong paguugali nya... nakakatakot at nakakhiya isipin na ang Pinoy ay ganito ka desperado para lang kumita ng pera dibaleng magpakasama at dibaleng gawing masama sa harap ng ibang tao ang kanyang kapwa....natawa ako sa sinabi ni Paco and I quote "HINAHAYAN NYONG MAGSUNUDSUNURAN KAYO SA ISANG MATALINONG TAO SA BAHAY NA ITO?" MANINDIGAN KAYO KASE I MADE MY STAND.... Hindi ba parang dumura sya sa langit at sa mukha nya bumagsak... hindi ba kaya nga saya nagkakaganyan ay dahil sa utos ni Big Brother na task nya bilang house player ay dapat nyang mapanalunan dahil sa premyo na makukuha nya.... haysss kung wala ng maisip si Big Brother or si Direct Loren Dyogi bakit di pa ito tapusin kase beyond everything mukhang ang mahalaga sa kanila ay ang ratings.... NATATaKOT AKO PARA SA TEEN EDITION NG PBB anong klaseng kabataang Pinoy ang ilalabas nila katulad ni Beauty na walang patumanga kung mag mura ng PI..... Bigyan nyo nman kami ng programang kakapulutang ng aral ano mang antas, edad, sekswaledad ang manood.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 1:21 AM | Permalink

    sus.sabihin niyo lang na playing safe talaga angmga dating team high sabotage.si tin sama ng ugali si alvin kaya ganoon din ihing ihi na si beauty pano kaya kung si ethel booba sabihan niya ng ganon baka kupas na mukha niyang si tin patriDIMONYO.HAHAHA.the one who deserves to be big winner is seichi.or else kigoy and luz will return as a housemates kigoy deserves some payback.carlo,slater,biggel,divine,tin,kevinand pamu will be poor.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 1:50 AM | Permalink

    kunwari pa tong blogger naito pero kampi naman talaga siya sa team high voltage eh.wag ka nang magkunwari alam ko na pabor sayo na nakakasama ang pagpasok ng m6.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 2:00 AM | Permalink

    SA MGA AYAW, WAG NA MANOOD. DI KAYO PINIPILIT MANOOD. ANG GALING KAYA NG M6. IAGREE WITH PACO, PLAYING SAFE SINA SLATER, DIVINE AT CARLO PERO LUMALABAS NA NGAYON ANG TAPANG DAHIL SA M6. I LOVE MORE CARLO AT THIS TIME.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 3:09 AM | Permalink

    agree

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 8:59 AM | Permalink

    Lahat ng nagrereklamo dito walang pambayad ng text. Pinapili kayo kung gusto niyo manatili si Paco as houseplayer no. In fairness, effective si Paco ha. He is more interesting than all the remaining housemates combined.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 9:07 AM | Permalink

    Naku..d karapat dapat gastusan ng boto mga nasa Pbb ngayon.wala matutunang mabuti sa pinagagawa nina Big brother sa housemates . marami iba deserving na tao bigyan ng tulong . nakaka-banas cla panoorin ,wala kwentang palabas.

  • gravatar Anonymous
    February 29, 2012 at 1:41 PM | Permalink

    paco is the best thing that happened in this edition. though di ko masyadong gusto siya, boring ang live streaming without paco

  • gravatar Anonymous
    March 1, 2012 at 10:25 AM | Permalink

    plabasin n c paco....playing safe c pamu..taz ung kevin gumagawa ng love team s loob...d nman benta..yuckk...

  • gravatar Anonymous
    March 7, 2012 at 10:27 PM | Permalink

    M6 is such a horrible idea! I stopped watching PBB.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS