Big Brother Di Patas ang Trato sa mga Love Teams?


Share



Hinde naman ako galit kina Housemates Pamu at Kevin o ang tambalang MuVin pero gaya ng ibang manonood nakadarama ako ng pagigiging unfair o di patas ni Big Brother (pamunuan ng 'Pinoy Big brother Unlimited') sa mga love teams.

Natatandaan ninyo pa ba nang maging close sila Seiichi at Pamu? Pero ano ang ginawa ni Kuya? Pinaliwanag niya kay Seiichi di niya pwede ligawan si Pamu dahil may boyfriend ito sa labas. Di ba nga kinuha pa ni Big brother ang reaction ng boyfriend ni Pamu sa pagiging close nila Pamu at Seiichi? May nalalaman pa nga silang concern sila kuno sa feelings ng boyfriend ni Pamu pero iba ang trato ngayon ni Big brother sa pagiging close nila Kevin at Pamu?

Remember nang maganap ng premiere night ng 'My Cactus Heart' sa Bahay ni Kuya? Di ba nga si Wendy dapat ang nanalo ng date pero ano nangyari sinabihan ni Big brother si Wendy na ibigay na lang sa iba ang date dahil may boyfriend ito sa labas at masama daw tingnan na nakikipagdate ang babaeng may boyfriend sa ibang lalake. Ang ending si Pamu ang nagkaroon ng date kahit may boyfriend ito sa labas.

Wala namang masama sa love team, eh kung iyon ang tinitibok ng mga puso eh bakit natin hahadlangan, ang sa amin lang eh sana tamang exposure, tamang rules at tamang trato sa mga nagiging love teams.

Parang mga rules na na-violate pero hinde naman napaparusahan ang nagkakasalang Housemates. Halos lahat ng viewers ay ito ang nadarama!!!

Photo by ABS-CBN, Endemol and PinoyBigBrother.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

56 Comments

  • gravatar EFFY
    February 16, 2012 at 8:04 PM | Permalink

    best blog so far. sana naman matauhan na ang PBB
    hopefully gawa ka din po ng blog about Biggel and Tin na pilit pinipair si Tin kay Biggel kahit ayaw ni Tin sakanya, hindi kasi nila nirerespect feelings ni Tin toward Biggel. thank you.

  • gravatar Anonymous
    February 16, 2012 at 9:08 PM | Permalink

    korek! diman nakakakilig ang Muvin, kamukha ni pamu si AIAI DELAS ALAS..even though im a fan of PBB since season 1, ito lang tlga season ang diko masyado sinubaybayan dahil lahat nang eksena pilit!..nakakasulasok panuorin..

  • gravatar Anonymous
    February 16, 2012 at 9:10 PM | Permalink

    Agree. Sobrang inconsistent ng PBB talaga this season.

    Sana din itigil na ang ASO-Tin na loveteam kuno na yan. Guni-guni na lang yan. Matagal ng basag pero pilit na binubuo. Respect na lang kay Tin at sa pamilya niya.

  • gravatar Anonymous
    February 16, 2012 at 9:27 PM | Permalink

    i completely agree with you byzbuzz! Parang nakikita mo na kasi na binibuild up na nila ung love team ni pamu at kevin pag labas nila ng pbb house. kaya kinukunsinte ng big brother at big brother mismo ang gumagawa ng paraan para mas madevelop sa isa't isa ung dalawa. ni hindi sinasaway ni kuya si kevin at si pamu tulad ng ginawa kay seichi..

    inconsistent tlga ang pbb ngayon. siguro pag ayaw nila ung love team pag babawalan. pero pag pabor sa kanila at pwedeng pagkakitaan ang love team pag labas ng pbb house sinisimulan na nila sa loob ng bahay pa lang kahit na in a relationship ung isa. they play with everyone's emotions. hindi lang ung mga housemates pati ung mga taong nanonood. they break their own rules as long as it's favorable to them.

  • gravatar Anonymous
    February 16, 2012 at 11:06 PM | Permalink

    Love na kita byx. i super duper agree. kaya ayoko ng manood ng pbb ngayon kasi grabe yung pagbuild up sa MuVin.tapos may mga fantards pang tuwang tuwa.

    tius ko kawawa ang boypren ni pamu.

    iniisip ko na lang na isa to sa mga consequence sa pagpasok sa bahay ni kuya, ang mamanipulate ang mga tao at emosyon.

    tsaka utang na loob mas lalong nagmumukhang tanga si biggel. kawawa na ang image nya.
    yun lang

  • gravatar Anonymous
    February 16, 2012 at 11:29 PM | Permalink

    big brother, wla na kwenta palabas mo. boring na. kung hindi patas, niluluto. hay nako. wala na ba?

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 1:42 AM | Permalink

    di ba lang?

    tama yung ginawa kay Seichi. mali naman talaga. to think na mga bata pa sila. at possibly, ang fans ng mga ito teenagers din. pero bakit ngayon kinukunsinti yung pinaggagagawa ni Kevin?

    Kevin, know your place! openly pursuing a girl on national television while he knows from the very start that she has a boyfriend outside the house? a decent guy doesn't do that.

    Pamu, you should know your limitations. re-evaluate your loyalty. know when infidelity starts. respect your boyfriend.

    PBB, do not condone cheating. kung ipagmalaki nyo yang pagtrend nyo sa Pilipinas...as if naman it's for a good reason. shame on you.

    hanggang ganito na lang ba ang kalidad ng programa na kaya nyong ibigay? after how many seasons...dito na lang kayo napunta? no wonder why pababa nang pababa ang ratings nyo. nagiging mediocre na. kung itrato nyo ang audience nyo, para namang wala kaming isip. na isisibo lang namin lahat kung ano man ang ipapakain nyo sa min. we're smarter that you think.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 3:20 AM | Permalink

    tama kayong lahat nakakasawa ng manuod,honestly simula nung lagi nlng pamu and kevin d na ako nanunuod ng pbb, sila lng ba ang housemates?unfair naman kasi sa mga sumusuporta sa ibang mga housemates at mga ng aabang sa kanila..sa totoo lang nakakawalang gana manuod ...

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 3:49 AM | Permalink

    sana ang PBB gabayan sila sa kung ano ang tama o mali hindi yung pansariling interest nila para lang may loveteam ang PBB,nakakadisappoint manuod ng show na ganito hindi kasi magandang tularan nga mga kabataan..

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 3:53 AM | Permalink

    sana wag na nilang ipilit c tin k biggel,kahit sino naman kasi maiirita talaga pag ipipilit ka sa taong d mo gusto o sa mga bagay na ayaw mong gawin,nakakaawa sitwasyon ni tin malayo na nga sya sa pamilya tapos ipipilit pa sa kanya ang taong ayaw nya,ok na yung friends sila wag lang pagagawin ng task na ayaw nyang silang dalawa..

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 4:38 AM | Permalink

    mawawalan ng tiwala ang mga viewers ng PBB dahil mismo ang PBB ay walang isang salita...

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 4:46 AM | Permalink

    super nakakaumay na si pamu at kevin..

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 5:05 AM | Permalink

    what?! PBB is not about love teams, it's a competition.
    You're argument is invalid.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:04 AM | Permalink
    This comment has been removed by a blog administrator.
  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:07 AM | Permalink

    SORRY MUKHANG MAS MAHABA PA COMMENT KO KEYSA ARTICLE, LOL....

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:20 AM | Permalink

    may gf nga naman c divine pero hindi naman sya naglalandi k slater o kahit sinong lalake..d gaya ng iba dyan kung dumikit parang walang bf sa labas..uo close at sweet c devine kay slater,tin and den pero vocal sya na mahal nya gf nya at lagi nya binbanggit namimis nya gf nya, di gaya ng iba dyan ni ayaw pag usapan ang bf at kung makadikit sa lalaki para walang sinasaktan na iba..

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:37 AM | Permalink

    regarding k tin and biggel d mo naman masisisi si tin kung lumalayo na sya k biggel,kasi habang tumatagal sila sa loob nakikilala nila isa't isa may ugali kasi si biggel kaya ayaw na ni tin sa kanya,in the first place d naman nya sinabi mahal o may pagtingin sya k biggel uo close lng sila bilang friends yun lng yun,kung ang tao ngang may minamahal nagbabago nga feelings sa minamahal nya dahil parang may gusto na syang iba yun pa kayang close friends lang sila kya don't judge tin..atleast sya single at d nya syota c biggel na may responsibilidad syang d nya kailangang saktan ito,naging honest lang sya sa nararamdaman nya at alam ni biggel yun,dapat maging mature sya at tanggapin ang katotohanan..ganyan talaga ang buhay may mga bagay o tao na hindi talaga para sa atin..ika nga ni BB Life is not fair lolz....

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:44 AM | Permalink

    kikiligin
    ka ba kung ang mahal mo sa buhay ay may nilalanding iba?

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:58 AM | Permalink

    dapat naman kasi ang PBB maging fair sa exposure sa mga housemates hindi yung araw araw nalang sila lang lagi may exposure porket may loveteam,paano naman yung nag aabang na mga viewers na gusto mapanuod yung favorite housemate nila,

    so, dapat pala pag pumasok ka sa PBB may ka loveteam ka para laging may exposure kahit may karelasyon ka at may nasasaktan kang iba..para lang kikiligin at may ipapalabas..tsk tsk tsk

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 8:03 AM | Permalink

    dapat maging fair sila yung bet nalang nila lagi may magandang exposure masyadong silang obvious sa bet nila..kaya sabi ni BB LIFE IS NOT FAIR yun na! alam na!tsk tsk tsk...

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 8:36 AM | Permalink
    This comment has been removed by a blog administrator.
  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 9:04 AM | Permalink

    BITTER .....

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 10:07 AM | Permalink

    very much agree.....sa lahat ng nasabi dito

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 10:11 AM | Permalink

    yan lang ba comment mo BITTER, halatang pinag isipan nyahahaha....lawakan mo ang isip mo at unawain ang tunay na pangyayari baka sakaling maintindihan mo lolz.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 10:42 AM | Permalink

    hindi sa hinuhusgahan ko si pamu wala namang taong perpekto lahat tayo'y may kahinaan at nagkakamali,hindi ko rin sya masisi kung mas gusto nya si kevin compared to seichi cute naman talaga kasi si kevin ang sa akin lang sana naman may konti syang delikadesa sa sarili nya kahit sinasabi nya na best friends lang sila eh masyado namang halata na gustong gusto nya si kevin dapat alam nya limitations nya ,sana naman siya nalang umiwas kasi siya ang babae at may ka relasyon hndi gaya ni kevin na lalaki at single nasisira tuloy image nya lumulabas na malandi sya,sana si BB rin kausapin siya at payuhan kung ano ang tama o mali..dapat ituwid nya ang mga maling gawain at hindi konsintehin gaya nang ginawa at pagpayo nya kay wendy

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 11:20 AM | Permalink

    @EFFY MISMONG HOUSEMATES ANG NAGPUPUMILIT NA ILT C BIGGEL KAY TIN. PASAWAY

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 11:20 AM | Permalink

    @Anonymous HUMIHINGI KA NG RESPECT, PERO NIRERESPETO MO BA ANG TAONG TINATAWAG MONG ASO?

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 6:51 PM | Permalink

    Hello! I'm so happy with this blog because I can freely express how I feel. I have stopped watching PBB but I'm just voting for my favorite housemate now--I hope that my votes count. I'm voting as a matter of principle, because I really really like a housemate who is so FUNNY and NATURAL without trying too hard. Watching PBB is now a waste of time--Big Brother seems desperate to save its ratings. Napakababaw ng mga love-team love team na yan, jusko! Pang PBB teen edition. C'mon, give the housemates more credit--they can rise beyond being paired with someone. Nakakasuka talaga ang landian nina Pamu at Kevin, parang taeng-tae si Pamu at haling na haling kay Kevin, at sya lagi nag-iinitiate ng harutan. Batanguena ako, at hindi ganyan magpakita ng motibo ang mga dalaga sa amin. Oo nga kelangan igalang ang kagustuhan ng isang tao, pero naman, masagwa para sa isang may ka-relasyon ang ginagawa nya. Kevin is just playing her game--e palay na lumalapit sa manok e. Sana lang, BB would do something naman to develop finesse, delicadeza and decency among the housemates. Please lang.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:06 PM | Permalink

    Ang nakakapagtaka lang, sina Wendy at Carlo, may kilig, pareho kasi silang sexy at sensual ang dating. Malalim ang pinanggagalingan. E itong sina P__ at K__, masagwa, kasi obvious na girl-driven. At mababaw ang mga karakter ng dalwang batang ito.Kitang kita ang pagiging makasarili, at playing safe. Feeling siguro nila dahil pasok sila sa clique ng mga "playing safe" na housemates (nakikihalubilo para di ma-nominate), e pwede na silang maging arogante. Ramdam nila ang pag-build up ni BB sa landian team nila. Awang-awa tuloy ako sa mga outsiders na tulad nina Biggel, Seiichi at Eting na di maka-ingles. Si Slater naman, kahit nasa clique, humble enough. HOMIGASH, nobody among these four deserve to be nominated. Dapat yang mga plastic at nag-gaganap-ganapan na yan ang ma-nominate.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:08 PM | Permalink

    THE REAL TRUTH BAKIT DAMING HATERS NG MUVIN IS HINDI NAMAN KAGANDAHAN SI PAMU PERO HALOS LAHAT NG LALAKI PATI NA ANG SEMERED TWINS AY NAKUHA NIYA ANG ATTENTION. AT...........ANG PINAKACUTE NA LALAKI SA LOOB NG BAHAY AY NAPALAPIT NIYA SA KANYA. MEANING.......ANG DAMING NAIINGGIT SA KANYA. YON LANG YON.......AMININ NYO MAN O HINDI.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:12 PM | Permalink

    Big Brother, kung nakikinig ka, please do not insult naman the intelligence of your viewers. We are smart enough to know that we are being taken for a ride. Baka mag-boomerang sa yo ang epekto mo ng pagpipilit ng loveteams loveteams. Matatanggap mo bang sumikat ang isang loveteam at mag-trending nga, pero dahil naman sa inis at violent reactions ng taong bayan? Kala ko ba wholesone ang ABS-CBN? Pati yang kissing kissing na yan, pano kung makita ng mga bata at teen-agers? Bad example.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 7:44 PM | Permalink

    SA MGA NAGREREKLAMO TUNGKOL KAY BB AT SA PROGRAMA. TANDAAN NYO NA WALANG PUMIPILIT SA INYO MANOOD. WAG MANOOD KUNG AYAW NYO SA NAKIKITA NYO.

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 8:54 PM | Permalink

    Sa mga nagbabasa ng comments dito, kitang-kita nyo naman siguro kung alin ang nag-iisip na commenters at alin ang may masabi lang. Ha ha it's not about inggit if you say something negative about someone. It's just a strong reaction to something that insults good taste. Media has a responsibility towards its viewers. Hndi pera pera lang..

  • gravatar Anonymous
    February 17, 2012 at 9:55 PM | Permalink

    Natatawa na lang talaga ako sa mga taong nagsasabing naiinggit lang yung mga naiinis sa muvin o kaya kay pamu. like bakit kami maiinggit?
    Our point is sana wag ng gumawa si BB ng mga task o event na lalong naglalapit sa muvin at biggetin.

    sa muvin , kasi kawawa ang boypren ni pamu sa labas. magugulo lalo ang isip ni pamu pag pinush lalo sya kay kevin.

    sa biggetin, kawawa si tin. si biggel lalong nagmumukhang tanga. utang na loob lalong umaasa si biggel.

    Hindi porket unfair ang buhay ay pwede ng gawin ang kung ano ano sa reality show. baka sa susunod may murder na dyan kasi nga di ba sabi nila unfair ang buhay eh di lubusin nyo na ang pagpapakita ng pagiging unfair.

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 12:44 AM | Permalink

    At pilit na inilaLOVETEAM si Divine kay Slater na alam naman natin na Lesbian at may Girlfriend. Mahiya naman kayo sana PBB.

    Ayaw daw nila may nasasaktan na iba pero ginagawa pa din naman nila. Naku

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 6:24 AM | Permalink

    TO ANON FEB 17 8;54PM = WAG NA PO KAYO MAG ENGLISH, NAGULUHAN LANG KAMI SA COMMENTS MO LOL.

    TO ANON FEB 17 9;55PM = GAYA NG SINABI SA TAAS, WAG NA PO KAYO MANOOD KUNG AYAW NYO SA NAKIKITA NYO. YONG HULING PARAGRAPH MO, NABALIW AKO DYAN LOL.

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 6:41 AM | Permalink

    HALATANG WALANG BAYAG ANG MAY-ARI NITO, LOL. BINUBURA ANG COMMENT PAG AYAW NIYA. NAGPA COMMENT PA LOL. GUSTO MAGING BLOGGER PERO AYAW NAMAN PINTASAN, WAHHHHHHH

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 6:42 AM | Permalink

    @Anonymous

    WAHHHHH, NAWALA COMMENT KO. NASAPAWAN ANG ATICLE NIYA WAHHHH

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 12:57 PM | Permalink

    Iho/iha, commenting in capital letters is rude and you sound desperate and palengkera. Doing this in print is a big No-No, iba ang dating, para kang nagmumura at malakas ang boses. Habang bata ka pa, putulin mo ang habit na ito. You sound angry and self-centered.It shows immaturity and shallowness. Di lang ako makatiis kya pinupuna kita dito. Pwede ka pa namang magbago. It's for your own good, from a grandmother of 11 kids.

  • gravatar Anonymous
    February 18, 2012 at 11:14 PM | Permalink

    kawawa ang 4 na nominado..hindi dapat sila ang ma nominate, dapat yun mga housemates hindi magandang example ng kabataan..i dont like Pamu..at first pa pretend sya conservative sya nag comment pa sya hindi maganda kay wendy/carlo pero ngayun lumabas na true color nya,,i agree may favoritism talaga si kuya
    sa loveteam..kawawang seichi..okey lang yun seichi,hanap ka ng babae dalagang pilipina talaga hindi malandi!gaya ni pamu!

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 1:04 AM | Permalink

    Grabe naman kung makadikit si Pamu kay Kevin ah! Parang sila lang ung housemates kagabi. Tapos pinagdate pa sila ni Kevin pero nung si Wendy pinigilan niyang mkipagdate kina xian kasi daw may bf siya. Tss. BB is insensitive, as well as Pamu and Kevin. Sobrang bias lang BB mgayon, to the highest level.

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 1:12 AM | Permalink

    Sa mga nagsasabi diyan na "wag kayong manood kung ay ayaw niyo", e paki niyo ba? Nagcocomment kami about sa blog at may karapatan naman tayong magsabi ng opinyon natin dba? Nakakinis lang yung magcocomment sila para tirahin ka, kaya nga may comment sa ilalim ng blog para ung mismong blog yung bigyan ng comment dba. Just know how to respect in order for you to be respected.

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 3:35 AM | Permalink

    di huwag kayo manood ng pbb kung ayaw nyo panoorin si pamu wala naman pumipigil sa inyo na manood...makapanglait kayo bakit tumingin n ba kayo sa salamin kagandahan ba kayo..baka nga super pangit kayo mga inggit..

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 3:43 AM | Permalink

    makapanglait naman kayo kay Pamu bakit kagandahan ba kayo bago kayo magsalita tumingin muna kayo sa salamin...bakit kaya ang mga tao reklamo ng reklamo pero nanonood naman..mas maganda kung wala rin lang kayo magandang sasabihin wag na kayo manood ..walang ginagawang masama ang tao sa inyo kaya tigilan na ninyo sya buhay nyo pakialaman nyo..

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 6:05 AM | Permalink

    kaya nga d na ako nanaunuod pbb eh,kaya magcomment na lang ako dito..hindi naman issue kung maganda o pangit ang mag comment dito,ang sinasabi lang kung ano ang nakikita k pamu at totoo naman iyun..

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 6:10 AM | Permalink

    si pamu lang yata ang nakikita ko sa lahat ng babaeng housemates na nagpapakarga sa lalake at nagjojoke na mnghihingi na halik at kung dumikit wagas, pangit lang kasi tingnan ksi may bf sya at dapat alam nya limitations nya bilang isang babae..

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 8:35 PM | Permalink

    ALL I CAN SAY IS INGGIT TALAGA KAYO KAY PAMU. HALATANG HALATA NA. HINDI NYO PAG-AAKSIYAHAN SIYA KUNG HINDI SIYA RELEVANT SA INYO. HINDI NYO MATANGGAP NA HINDI SIYA KAGANDAHAN PERO NAKUHA NIYA ATTENTION NG LAHAT NG HOUSEMATES ESP BOYS PATI NA MGA BISITA.

    TO ANON FEB 19 6;10AM = HINDI KANA NANONOOD PERO SINASABI MO KUNG ANO ANG NAKIKITA MO KAY PAMU. ANO BA TALAGA? CONTRADICTING SINASABI MO.

  • gravatar Anonymous
    February 19, 2012 at 10:49 PM | Permalink

    Yung ginagawa niya yung pinupuna namen, hindi ang physical appearance or itsura niya. Bakit may sinabi ba kaming maganda kami at pangit siya? JUST READ BETWEEN THE LINES. Think you before you react.

    To February 19, 2012 3:43 AM: "walang ginagawang masama ang tao sa inyo kaya tigilan na ninyo sya buhay nyo pakialaman nyo.."
    -Mas maganda siguro kung sabihin mo din yan sa sarili mo. Dahil kami dito nagcocomment lang kami sa issue at hindi tulad mo na tinitira ang lahat ng tao na against diyan sa idol mo.

  • gravatar Anonymous
    February 20, 2012 at 2:31 AM | Permalink

    all i can say is...mga BITTER lang ang pumupuna kay kevin at kay pamu..as in BITTER BITTER BITTER>>hahhaha... gumawa na lng kayo ng sarili nyong show para masunod lahat ng kagustuhan nyo..hahaha..ooppps,,admin wag idelete ang comments ko para di magiging lalong mas BITTER..hahahha

  • gravatar Anonymous
    February 20, 2012 at 2:34 AM | Permalink

    ang dami nyong daldal,,porket di na manonood ng pbb kasi unfair ganito,unfair ganyan pero kung maka comments detalyeng detalye ang buong PT>>hahhaha.. kung ayaw nyong manuod wag!! walang pumipilit...sa mga muvin haters magbigti na lng kayo hahahha... wag idelete para di BITTER hahhaha

  • gravatar Anonymous
    February 20, 2012 at 8:55 AM | Permalink

    all i can say is tin forever....

  • gravatar Kei
    February 20, 2012 at 11:51 AM | Permalink

    May point naman ang bawat isa. Sana lang, yung ibang diehard fans ng PBB eh easy lang sa pagcocomment. Everyone's entitled to their own opinion and we're just stating ours.
    Masagwa naman talaga tignan na yung girl na pinangangalandakang may bf simula pa lang ay may kalandian sa loob. Parehas nung kay Wendy at Carlo. Nagtweet pa ang @OfficialPBB kung kinilig daw ba ang mga viewers. Pano ka nmang kikiligin kung alam mong may bf na yung mga babae. Sana mapagsabihan ang mga girls, Pamu in particular na bawas-bawasan ang harot.

  • gravatar Anonymous
    February 21, 2012 at 3:42 PM | Permalink

    pa post.. About sichang at pamu po alam naman natin na ayaw ni pamu kay sichang dba at friends lang daw talaga sila,at ayaw naman talaga ni pamu sa kanya, kaya pinagsabihan si sichang ni bigbro at nirespeto naman ni sichang y0n, lalo na ung sinbhan din sya sa bf ni pamu, --About kevin and pamu naman halata po na may gusto sila sa isat isa, at sinabihan na po sila ni bigbro at un nga parihong matigas ang ulo.. --ung kinukulit ni sichang si pamu, laging sinasabi ni pamu na may bf sya, at bakit pagdating kay kevin d nya masabi na may bf sya..

  • gravatar Anonymous
    February 21, 2012 at 11:40 PM | Permalink

    i doubt kung talagang may gus2 si kevin kay pamu...feeling ko kasi gus2 lng naman nya na sumikat gamit si pamu para maging tulad ng MELASON.at syempre si pamu obvious naman talagang may gus2 kay kevin..sino ba naman ang aayaw kay kevin?

  • gravatar Anonymous
    February 24, 2012 at 12:53 AM | Permalink

    ang gusto lang ni BB na turuan si Pamu na pumili kung sino talaga mahal niya....eh kasalanan ba'ng umibig din siya kay Kevin....love is a sacrifice..sometime ikaw ang makasakit ng iba at sometimes ikaw din ang nasasaktan....love is like that...walang sinuman ang gustong makasakit..ang iba nga kahit ikinasal na hindi pa rin nagkatuluyan ksi they are not meant for each other.....who knows si Pamu ay pra talaga kay Kevin.......by the time you enter love you must be ready to accept pains and failures...that's it........tnx

  • gravatar Anonymous
    February 25, 2012 at 12:29 PM | Permalink

    Tama! Fave ko ang PBB lagi ko sinusubaybayan lalo na ang unliday (team wayuk). But now nabwibwisit na ko kasi napaka unfair talaga. Iba c kuya compare nung kay seiichi at pamu, pagdating kay kevin kinukunsinte nya. Bet ko c pamu na manalo dati pero ngaun ewan ko ba nagbago tingin ko sa kanya, SM pala sya "Simpleng Malandi". Sya na mismo ang dumidikit sa lalaki. Pareho pa naman kaming taga Lipa. Dapat mabasa to ng PBB kasi hindi na ko nanonood matapos ung mga eksena ni kevin at pamu na talagang tuwang tuwa pa ata c Big Brother. Karumi ka Kuya. Plastic, Peke!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS