Vice Ganda & Eugene Domingo Magsasama sa Isang TV Show?


Share



Kagabi nga ay naibahagi ko ang kumakalat na balita na mamaaalam na ang programang 'Gandang Gabi Vice' na mababasa rito at kaninang madaling araw nga ay ibinalita ko naman na ang 'Sarah G Live' ang papalit rito na mababasa rito at ngayon naman ayon sa source ko mamahinga lang ng ilang Linggo ang nasabing programa.

Ayon pa sa balita, ang host ng programa na si Vice Ganda daw mismo ang nagdesisyon na palitan ang format ng show niya at pansamantalang magpahinga. Hinde na nga raw talk show ang magiging format ng show ni Vice.

Napapagod o nahihirapan na raw si Vice na magpatawa ng mag-isa kaya parang gusto niyang magkaroon ng makakasamang co-host. Ayon sa source ko ang nagbabalik Kapamilya na si Eugene Domingo ang makakasama niya.

Naku sana nga ang totoo ang tsikang makakasama niya si Eugene sa season 2 ng show niya kasi bongga yan ha pero I'm sure di na 'Gandang Gabi Vice' ang magiging title nito. At balita ko ipapalit ito sa drama anthology ni Toni Gonzaga na papalit naman pansamantala sa 'Wansapanataym'.

Kung may 'Gandang Gabi Vice' this Sunday ay click mababasa this para malaman mo!

Photo via viceganda.net


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    January 20, 2012 at 11:22 AM | Permalink

    I'm so glad that Eugene is doing again a Kapamilya show! Excited for this team up :)

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS