'The Singing V', Bagong Show ni Vice Ganda?


Share



May kumakalat na tsika sa internet at sa ilang pahayagan na ang di umano'y bagong TV show ni Vice Ganda sa ABS-CBN ay ang pagbabalik ng Pinoy version ng 'The Singing Bee' na gagawing 'The Singing V' na.

Pero ayon sa aking source na dating nagtrabaho sa 'The Singing Bee' ay malabo itong mangyari dahil last year pa natapos o nag-expire ang kontrata nito sa ABS-CBN kahit na may 2 seasons pang natitira. Dagdag pa ng aking source, nabanggit daw dati kay Ms. Alou Almaden na ibalik ang show pero ang naging sagot ay wala raw pera para rito. Sa ngayon ay nagtatanong pa ang aking source about sa napapabalitang 'The Singing V'.

So maaaring totoo ang tsika, maaari ring hinde. Kung hinde man ito Pinoy version ng 'The Singing Bee', baka inspired sa format nito. May kumakalat din na tsika na under Sir Lui Andrada pa rin daw ang next show nito at di raw under sa unit ni Ms. Alou Almaden. Ayon sa source ko may fan page na raw ang 'The Singing V' sa Facebook, pero di ko pa rin alam kung official page ito o baka fan made lang.

Photo via sharetv.org


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS