Ang Sagot ng Kampo ni Housemate Joseph (Biggel)


Share



Narito ang sagot ng pamilya o kaibigan ni Joseph (Biggel the Housemate) sa aking post na "Ina ni Housemate Biggel Pineperahan ang Tatay Ni Biggel?" na mababasa rito

Taong 1996 nagkahiwalay ng magkaaway ang mga magulang ni pareng Biggel. Sa mga unang buwan naman ng 1997 umalis ang ina para mangibang-bansa. Mga ilang buwan pagkaalis ng ina ay bumisita na nga si G. Biggel sa Marinduque para kunin ang maglilimang-taong gulang na anak kapalit ng isang halaga.

Tumangging ibigay ng lolo ang ama at nagkaroon ng matinding pagtatalo.
Munting dampa ang tinitirahan ng mga lolo at lola ni pareng Biggel ng mga panahong iyon. Sa pintuan pa lamang nito ay tiyak na hindi magkakasya si Mr. Biggel. Maliit na kubo nga lamang ito. Tumanggi na nga ang Lolo at sa iba pang alok ng Aleman na kung anu-ano.

“Paano kong abigay yan sa kanya ay sa akin ibinilin ng Ina. Ang sabi ko kay Mr. Biggel kung gusto mong kunin ang anak mo ay kausapin mo ang Ina. Hindi ko raw kayang buhayin si Joseph dahil mga p*t*y-gutom daw kami. (May kasamang interpreter na Filipino ang Aleman).

Sa kubong iyon nanatiling nakatira ang matatanda at kanilang dalawang apo. May nakatatandang kapatid naman na babae si Lolo na naninirahan sa Amerika na bumisita sa kanila mga taong 2000. Natural na sikip ang limang tao sa kubo, kaya’t ang bisita ay walang magawa kundi matulog na nakataas ang kanyang mga paa sa dingding.

Iminungkahi ng kapatid ni Lolo na humanap ng lupang matitirikan ng bahay para mayroon itong maayos na matirahan kapag siya ay nagbakasyon sa Marinduque. Natiempo naman na halos sa likuran lamang ng kinalalagyan ng kubo ay may lupang for-sale. Agad itong binili ng kapatid ni Lolo at natural na ang Deed of Sale ay nasa pangalan ng kapatid.

Pagpapatayo naman ng bahay ng kapatid ni Lolo ang sumunod, subalit ito ay matagal na panahon ang kinailangan bago matapos sapagkat wala namang dahilan para madaliin ang pagpapatayo nito Naayon na lamang ito kung may ipapadalang pera ang kapatid ni Lolo para matapos ang pinapagawang bahay.

Nanatiling sa kubo nakatira ang pamilya. Subalit minsan, napansin ni Lola sa may mababang silong ng bahay na may pinaglunuhang ahas. Sa takot ni Lola ay nagpasya na ito na lumipat muna sa hindi tapos na bahay na sa panahong iyon ay apat na pirasong G.I. sheets lamang ang nagsisilbing bubong.

“Nauulanan at naiinitan pa rin kami doon dahil hindi nga tapos pero mas palagay ang loob ko na hindi madaling pasukin ng mga ahas ‘yun. Kaya’ kung anu-ano na lamang na tabing ang aming inalagay”, sabi ni Lola.

Wala ni isang sentimo ang nanggaling sa sinumang Pontio Pilato para sa pagpagawa nito kundi mula sa kapatid ni Lolo. Ang ina ni pareng Biggel ay wala ring naging kontribusyon ni ano man para dito. (Hindi naman niya ito bahay). Nagagawa pa rin namang magbakasyon doon ang kapatid ni Lolo mula isa hanggang tatlong buwan. Sa tuwina ay may binibili naman itong mga kasangkapan para sa bahay para magamit nina Lolo.

Hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa pa rin ito bastat may ipinadalang pera ang kapatid ni Lolo para sa pagpapayos (tulad ng may rehas na bintana nitong huli). Subalit ito na rin ang tinuring nina Lolo na tahanan nila.

Sa loob naman ng mahigit-kumulang sa walong taon mula ng huling tunggalian/hiyawan nina Lolo at Dagul, noong 1997 ay ni sa pangarap o guniguni ay hindi sila nagkita.

Kung tungkol naman sa bangka, dito lamang sa fb page na ito nakita at nalaman ni Mr. Biggel na may bangka pala sina Lolo. (Pambili lamang ng motor ang naging kontribusyon ng ina ni Biggel bago lumisan sa Marinduque, at ang katawan ng bangka ay matagal na panahon ding pinag-ipunan at ipinagawa ni Lolo sa tulong ng iba).

Bakit nga ba pinatigil ng Dad ni Joseph ang pagsustento, basahin ninyo rito
Ang tunay na dahilan ng pagpapalayas ni Mr. Biggel sa Ina ni Joseph (Housemate) at kung kelan ito, mababasa rito

Source and Photo via Joseph Emil Biggel of Marinduque

Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

8 Comments

  • gravatar Anonymous
    January 5, 2012 at 10:03 PM | Permalink

    Thank you for posting the side of Biggel. He so deserves to be given an equal and fair treatment on various issues. Hope you'll provide his family's and relatives' answers on all issues hurled against Biggel. There are two sides in a coin. Thank you.

  • gravatar Anonymous
    January 6, 2012 at 12:41 AM | Permalink

    ala ng maniniwala sa inyo kc sa fb pinakita nyo un isang bahay na pinagawa ng mama nya 1996 dyan na yan bahay na bato ngek ngek bolahin nyo mga mukha nyo

  • gravatar Anonymous
    January 6, 2012 at 2:51 AM | Permalink

    wag kang mang husga dahil di mo lam tunay na kwento

  • gravatar Anonymous
    January 6, 2012 at 11:53 AM | Permalink

    Anonymous
    January 6, 2012 12:41 AM | Permalink

    basahin mo nga 'to. di mama nia ang nagpagawa nian.
    https://www.facebook.com/photo.php?fbid=186078621481461&set=a.175756352513688.42405.175753359180654&type=3&theater

  • gravatar Anonymous
    January 6, 2012 at 10:02 PM | Permalink

    wala ng maniniwala sa taga Marinduque.. NUKNUKAN kayo ng SINUNGALING. NAGkalat pa kayo dito sa Manila parang promoted pa sa PBB ang pagsisinungaling ay itanong mo sa res psychology na na taga Marinduquedin yata pweh!!

  • gravatar Anonymous
    January 7, 2012 at 1:20 PM | Permalink

    ay yan ang orig bahay ng lolo nya pero yun isa bahay na maganda sa fb ni biggel yun ang pinagawa ng mama nya na pera ng papa ni biggel dun pa si biggel tumira kasama ng bombay na asawa mama nya. stop lying mga admin ni biggel wala kayong mapapala sa pagsasabwatan nyong mga sinungalin. talo na yan manok nyo iuwi nyo na yan. kakapal nyo.

  • gravatar Anonymous
    January 9, 2012 at 12:13 AM | Permalink

    pinagawa ng mama nya? hindi kanila yoon, kundi pinatira sila doon ng kapatid ng lolo nya na nangibang bansa...kayo ang lomoloko sa sarili nyo, ang lakas ng loob gumawa ng istorya mali-mali naman tsk tsk

  • gravatar Anonymous
    April 4, 2012 at 4:56 PM | Permalink

    Pahingaan lang yan ng pamilya ni Bigge, na pinatirhan sa bunsong kapatid ng nanany ni Bigge, ang tunay bna bahay nila ay yung batong bahay, na pingawa ng nanay ni Biggel, tama! nanay ni Biggel ang nagpagawa sa bahay nayun!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS