Team High Voltage Pinataob ang Team Wayuk sa Carolling Task?


Share



Kagabi na nga naganap na ang pangangaroling ng mga Housemates ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'. Noong umpisa halos dikit pa ang laging laban, halos magkasingdami ang nagrerequest ng Christmas Songs sa parehas na 2 teams: Wayuk at High Voltage. Meron pa ngang gimik ang member ng Wayuk na si Mama Luz na libreng goto sa mga magrerequest sa kanila

Habang tumatagal ang pangangaroling ay lalong lumalaki ang lamang ng Team High Voltage sa Team Wayuk. May balita pa nga raw na 8:30 PM pa lang ay naabot na ang minimithi nilang 10,000 Pesos. Isa sa mga nag-request ay ang basketball Superstar na si Alvin Patrimonio na tatay ni Housemate Tin Patrimonio ng High Voltage. Bali-balita ding hinde lang 100 pesos per request ang binabayad ng pamilya ni Tin ha.

Ayon naman sa fans ng BiggeTin ay nag-donate daw sila ng 2,500 kagabi. Mabenta talaga itong si Tin ha lalo na ang kanyang kantang 'Away in a Manger'. Madaling araw na natapos ang unang araw ng pangangaroling at balitang nasa 80 requests na raw ang mayroon sa High Voltage na super layo ang lamang sa Wayuk.

Ilang minuto nga lang ang pahinga ng High Voltage kumpara sa mga Wayuk, habang 15-30 minutes naman ang tintagal bago may mag-request ulit sa Wayuk kaya naisip ni Paco na baka every commercial gap sila pinapakanta, as in feeling niya live silang umeere sa Primetime.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

12 Comments

  • December 15, 2011 at 4:39 PM | Permalink

    WOOH! Go team HV!!

  • gravatar Anonymous
    December 15, 2011 at 7:41 PM | Permalink

    Eh hindi anamn siya labanan kasi weekly task po siya. hindi po siya kontra battle kaya wag mo pagsabungin.

  • gravatar Anonymous
    December 15, 2011 at 8:59 PM | Permalink

    tamaaa comment 2.for charity yan ska weekly task.imbes na ipagdasal mo silang parehong team na makakuha ng 10k.para naman maraming matulungan.eh tuwang tuwa kapa na unti lang nakukuha ng wayuk.bitter tlaga tong writer dito.wag maging bias.haler?cguro kung mananalo ang wayuk ulit sa main battle maging nega na naman to.sabihin nandaya ang wayuk.lols...

  • gravatar Anonymous
    December 15, 2011 at 9:29 PM | Permalink

    eh marami naman kasing nagpa-follow sa UnliNight housemates kasi pag pinapalabas sa tv ang Pbb Unlinight, nasa bahay na karamihan ng mga tao. sa Unliday kasi, ung timeslot niya, karamihan ng mga tao sa oras na pinapalabas siya is either nasa work pa or nasa school or kung saang lupalop man sila andun, basta wala sa bahay. roflmao pero I think mas marami pumili sa Unlinight housemates kasi mas marami supporters/followers nila.

  • gravatar Anonymous
    December 15, 2011 at 11:37 PM | Permalink

    Wala ng masyadong pt air si tin, napapansin ko lately

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 12:42 AM | Permalink

    i want to congratulate both teams. Pero dun sa ginawa nilang original compostion na song, mas gusto ko yung kanta ng team wayuk, simple pero may recall.

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 10:54 AM | Permalink

    ganyan talaga, Pag ang battle ay non kuya and pbb staff ang judges ay panalo ang HV. Pero pag ang hurado ay si kuya or pbb staff, pinapanalo lagi ang wayuk. Kagaya nung jumping rope battle, from outside ang judges kaya nanalo ang HV. Kasi fair sila. Pro nung debate battle, belen ay kay kuya at pbb staff nakasalalay ang winner ay nanalo ang wayuk. Sa scooter challenge ay nakasalalay uli sa skill ng housemate at di si kuya ang makapag dedecide kaya nanalo ang HV. AT dito naman sa caroling ay walang maitutulong si kuya at pbb staff para mapataas ang request. lol kaya ayun yung paborito ni kuya na wayuk ay kaawa awa. Sana wag madaya ang HV ni kuya sa Original composition.

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 10:58 AM | Permalink

    napansin nyo ba na binigyan ni kuya si luz at si paco nang moments(christmass tree making, and goto cooking). Ang dating sakin ay to vote them to be save. Kaya parang aalisin si erika this saturday.

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 12:48 PM | Permalink

    yeah but its still a competition...kasama pa rin sa pinaglalabanan mapa charity or hindi...

  • December 16, 2011 at 2:15 PM | Permalink

    Si erika po ang pinagdrawing ng caricature

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 8:39 PM | Permalink

    Walang madadaya kasi kung icocompara nyo ang kanta ng HV at Wayuk, mas maganda yung sa Wayuk kesa sa HV.

  • gravatar sei
    December 17, 2011 at 10:37 AM | Permalink

    i remember nung nanalo ang team wayuk sa 1st mini battle their price was unlimited use of kuya's resort right? then the next mini battle team HV won.. is their price was same as team wayuk? i think not.. correct me if i'm wrong.. then another mini battle which is caricature.., which is not fair for team HV 'coz luz knew all of hoousemates in HV.. then wayuk won.., again their price was unlimited use of the resort again.. i'm a fan of PBB not of any of the team.. but i stop watching after realizing., "parang may script na".. and it's make me sad:(

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS