Sinong Housemates Napatawan ng Forced Eviction & Nag-Voluntary Exit?


Share



Halos isang oras na nga ang nakakaraan ng i-anunsyo ng Secretary ni Kuya na pinpapatigil ang botohan para sa mga Nominadong Housemates na parehong 'PBB UnliDay' at 'PBB UnliNight' dahil may Housemate na napatawan ng Forced Eviction at Housemate na nag-Voluntary Exit.

Feeling ko mula sa mga nominado ang matatanggal dahil pinatigil ang botohan. Eto ang mga possible Housemates na lalabas base na rin sa hula ng mga fans.

Si Lyn daw ang nag-Voluntary Exit dahil nga raw sa pagpanaw ng Nanay nito. Maaaring si Seth din ang nag-voluntary exit dahil sa di niya feel tumira sa loob ng Bahay ni Kuya dahil feeling niya di siya welcome sa mga Housemates. Si Kim gusto na ring lumabas dahil sa nabobore na siya. O baka naman daw si Erica dahil sa kanyang hinaharap na tumama dahil sa Scoot Bike Battle, pero naaalala kong sinabi ng Doctor ng PBB na wala namang problema sa health ni Erica.

Maaaring si Slater raw ang mapatawan ng Forced Eviction dahil sa raw sa sunod-sundo na Lapel (mic) Violations at pag-hand signal. Maaari ring si Wendy na sinasabihan ang mga kasamahang Housemates na inominate siya as in sinasabi niya pang o bakit di ninyo ako binoto. Maari ring si Deniesse dahil sa mga salitang nasasabi niya

Pwede ring si Seth, gaya ng nakwento ko before, naikwento niya kay Wendy ang mga napanood niya sa 'PBB Unlimited' noong di pa siya pumapasok sa Bahay ni Kuya.

O baka si Mark na may Automatic Nomination at nakagawa pa ng maraming Violations. Pwede rin ang Head of Household na si Kigoy. Kasalukuyan (sa mga oras na ito) ngang nakikipagdate si Kigoy kay Pamu. Maaaring pinagbigyan siya ni Kuya na matupad ang pangarap niyang maka-date ito dahil sa papatawan siya ng FORCED EVICTION. O maaaring ang date na ito ay premyo sa pagiging Head of Household. Kanina ng kumakain sila ni Biggel, tinuruan niya si Biggel gumamit ng tinidor at kuts*lyo, habang nagbibigay siya ng sample ng paggamit sinabi niyang: "Biggel look mo to.. (pertaining to the food) papatayin kita(sabay hiwa)". Then sinabi nya after:
"joke lang hahahaha"


Eto ang mga hula ng fans... Abangan ang official na anunsyo mamaya.

Photo by ABS-CBN & Endemol


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS