Pokwang Handa ng Magpaiyak Ngayong 2012


Share



Nakilala natin ang Kapamilya Star na si Pokwang bilang isang magaling na Komedyante at Noontime Show Host pero ngayong 2012 isang bagong Pokwang ang ating makikita.

Ngayong January 2012 nga ay handa na niya tayong paiyakin sa kanyang pelikulang 'A Mother's Story', ang unang pelikula ng TFC (The Filipino Channel), na tungkol sa isang dakilang Ina na nagtungo at nagtrabaho sa bansang Amerika para mabigyan lamang ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Maski ako naantig sa trailer ng pelikulang ito ha (mapapanood sa ibaba) kaya masasabi ko na isa nang Drama Actress si Pokwang. Patunay nga diyan ang mga OFW, na nakanood sa Advanced Screening sa ibang bansa, na napaiyak ni Pokwang.

Kung gusto ninyo simulan ang taong 2012 na inspirado, manood ng 'A Mother's Story' ngayong January 8, 2012 sa mga paborito ninyong sinehan. Makakasama ni Pokwang sa pelikulang ito sina Xyriel Manabat, Rayver Cruz, Beth Tamayo, Daria Ramirez, Nonie Buencamino, Ana Capri, Jaime Fabregas, Aaron Junatas, K Brosas at mula sa direksiyon ni John-D J. Lazatin.

Watch now the trailer here... Maganda ang nanay ko, hinde naman di ba? Love it!!!



Poster by TFC


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    December 17, 2011 at 2:48 AM | Permalink

    napanood ko na to dito sa US eh

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS