Mother Lily Di Pinadalo ang mga Artista ng 'Shake' & 'Yesterday' sa MMFF Awards Night


Share



Nakatanggap ako ng balita na hinde nakuha ng personal ng Kapamilya Child Star na si Bugoy Carino ang kanyang napalunang Best Child Star Award sa naganap na Metro Manila Film Festival 2011 Awards Night' kagabi.

Sinabihan kasi ni Mother Lily Monteverde ang lahat ng artista sa mga pelikula niyang 'Yesterday Today Tomorrow' at 'Shake Rattle & Roll 13' matapos nga i-disqualify sa 4 awards ng MMDA ang pelikulang 'Yesterday Today Tomorrow' dahil sa paglabag sa rules.

Ito namang si Mother Lily, siya na nga nagkamali siya pa may ganang magtampo. Ilang taon na siyang sumasali sa MMFF kaya dapat alam niya ang rules. Natatandaan ko pa noon na sinuportahan niya si Pres. Noynoy Aquino sa pagkandidato nito na maging Pangulo dahil naniniwala daw siya sa at gusto niya ang tuwid na daan ni PNoy. Eto tinutuwid ang baluktot niyang nagawa pero siya pa ang may tampo.

Sana pinadalo niya pa rin ang mga artista sa kanyang mga pelikula bilang paggalang sa MMDA at MMFF, buti nga hinde napatigil ang pagpapalabas ng pelikula niya.

By the way, nanalo si Bugoy ng nasabing award dahil sa kanyang bonggang performance sa 'Tamawo' episode ng 'Shake Rattle & Roll 13'. Samantala, malapit na siyang mapanood sa Robot-seryeng 'E-Boy' sa PrimeTime Bida ng ABS-CBN.

Photo via PinoyMovieBlog.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS