Housemate Deniesse Mapapatawan ng FORCED EVICTION? Paco Sobrang Nasaktan sa mga UnliNight Housemates


Share




Naging kontrobesryal sa mga Netizen at sa mga fans ng 'Pinoy Big Brother' ang pagpasok ni Paco sa Mansion ni Kuya para maging Clown na magdidistract sa mga UnliNight Housemates (Team High Voltage) na bahagi pa rin ng Weekly Task nilang Deadmahan.

So eto nga, pumasok nga siya sa Mansion bilang Clown, I love Paco, pero this one talagang isang malaking Waley ang mga pinaggagawa niya kaya di niya ma-distract ang mga Housemates doon. Pero mas sinisisi ko si Big Brother, kasi siya yung nag-sabi ng Clown idea na talaga namang di na effective para lang tuloy naging background si Paco doon.

Sa tuwing may distraction na ipapasok si Kuya, napagdesisyunan ng mga UnliNight Housemates na mag-spray sa distraction para warning sa kanila. So eto nga ginawa ng mga Housemates, siyempre sabi nga ni Kuya huwag pansinin ang distraction kaya di nila napapansin kung matatamaan ito o hinde, basta mag-spray malapit sa distraction.

Dinamdam ni paco ang pag di pansin sa kanya ng mga Housemates, pero mas dinamdam niya ang pag-spray sa kanya. Kaninang umaga super drama itong si Paco na di umano'y feeling niya na di siya daw natrato bilang tao, pero para sa akin kaya ka nga tinawag na distraction, iisipin ng Housemate na isa ka lang hangin, di ba?

Naging kontrobersyal ito dahil ayon sa ilang fans dapat mapatawan ng FORCED EVICTION si Deniesse at maparusahan ang mga kasangkot nitong sina Wendy at Tin dahil sa pag-spray kay Paco na isa raw pagpapakita ng pagiging violent na isa sa mga bawal sa rules ng Big Brother.

Pero para sa akin walang ginawang masama si Deniesse, may sariling utak si paco bakita di niya ito iniwasan, pinaringgan na siya about the spray pero di pa rin niya nilayuan. Kayo ano ang pananaw ninyo? I-share ninyo naman diyan...

Pero siya nga pala inutusan din ni Kuya si Paco na ilagay ang wig sa ulo ni Seth at dapat matanggal ito ni Seth na di gagamitan ng kamay. Nagawa naman ni Paco pero matalino si Seth at nagawa niya itong alisin without using his hands, at isang Bigong Paco ang bumalik sa Industrial House.

Sa nalalapit na 1st Main Battle ng Team Wayuk at Team High Voltage, na magaganap bukas, todo practice na ng mga Housemates ng Jumping Rope pero sa ang mga Housemates sa Mansion ay di magkasundo dahil ang gusto nina Carlo at Slater ang simple routines pero type naman nina Seth at Divine ang ibang routines kasi daw baka matalo sila sa labanan kung simple routines lang ang ipapakita. Nasaktan yata sina Seth at Divine dahil parang di sila pinapakinggan.. Remember the Housemates need to be creative.

Balik tayo kay paco, kahit minsan magkasalungat kami ni Paco, para sa akin LIKE ko siya kasi matalino, maabilidad at creative siya at isa siya sa mga nagbibigay enerhiya sa UnliDay.

Photos by Neo


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

11 Comments

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 8:19 AM | Permalink

    Para sa akin ganti yun ni Deniese dahil dun sa "dayaan" na nagreact sya ng bongga.

    Dun sa sinabi mo na nakita na ni Paco na nagiispray si Deniese at pwede naman niya itong iwasan, iniwasan ito ni Paco. Kaya nga nasa kabilang side siya di ba? Si Deniese naman alam na andun sa side na yun si Paco at dun pa rin siya nagspray. Tumalikod pa nga si Paco nung natamaan na di ba? Para sakin may karapatan naman siyang ganon ang maging reaction ni Paco. Kahit na may task sila, tao pa rin yun eh. Ganon ba dapat ang pagignore? So kapag pinahiga ang boyfriend ni Wendy sa lapag na dadaanan nila, aapakan pa rin siya? Kasi wala naman siya dun kunyari di ba? Parang "hangin"?

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 8:26 AM | Permalink

    No way. Deniesse should not be FORCED EVICTED. Di ako papayag dun. Wala ako paki-alam kay Paco. She shouldn't be punished to what she did. Di naman nya alam na nasa likod pala si Paco nung ini-spray nya yung spray. I support Deniesse because she's different from the other girls.

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 10:30 AM | Permalink

    Paco deserves it ^_^

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 11:54 AM | Permalink

    NAKO EH ANG BABAW LANG NAMAN NIYAN EH! IGNORE TASK NGA DIBA? MEANING WALANG NAKIKITA ANG MGA UN HOUSMATES SO THEY CAN DO WHATEVER THEY WANT..ANG ARTE NI PACO.... AND TALAGA? FORE EVICTION AGAD? ANG BABAW NAMAN....

    BAKIT YUNG NANGYARING PAGKAPASO NI BIGGEL KAY TIN HINDI MAN LANG PINAKEALAMAN NI KUYA? DIBA FORM OF VIOLENT NA RIN YUN KAHIT DI SINASADYA? SI KUYA OBVIOUS NA MAY FAVORITE.... GRABE.... ANG OA LANG

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 4:08 PM | Permalink

    sa pagkakaalam q ang task nila ay deadmahan at hindi sakitan!!!
    mayroon mang mga hnd mgandang ugali si paco doesnt mean n dapat n xiang tratuhin ng ganon...c deniese nman din ay pangit ang ugali..unang una nung nglalaban sila ng charades o hulaan ng sabihin niang "PACO? ANG BAHO NG PANGALAN PATI UGALI ANG BAHO DIN" something like dat..for the the first place never nia png nkita or nkilala c paco para mgsalita ng gnun (palengkera) khit sila tin,, divine at casey napansin un..second ung ginawa niang pgiispray nia kung saan nandun c paco n ntamaan p ang mata ni paco...according s ruel buk bawal ang mga bagay n nkakasakit s kapwa housem8 at mabigat ang parusa ni2..mdami n ngang na force evict s mga former housem8s dhil s gnung rule ehh...

  • gravatar Anonymous
    December 2, 2011 at 4:13 PM | Permalink

    Ung pagkapaso ni biggel ky tin is an accident..ikaw n nga ngsabi na PAGKAPASO hnd PAGPASO meaning hnd sinasadya unlike sa ginawa ni deniese na pgspray halatang halata n sinadya...

  • gravatar Anonymous
    December 3, 2011 at 9:09 AM | Permalink

    The wrong about Paco was, ginawa nyang masama sa paningin ng unliday housemates ang LAHAT ng nasa unlight.. Parang sinabi nya na lahat ng unlinight housemates ang gumawa sa kanya nun kung si Deniesse lang naman ang nag spray directly to him. Besides it's an air freshener not pesticides so kahit sino sa kanila nai sprayan ni Deniesse. Pero alam ko din na di tama yung ginawa na yun ni Deniesse.

  • gravatar Anonymous
    December 3, 2011 at 7:27 PM | Permalink

    force eviction agad si deniesse pwede ba pwedeng automatic nominated muna?hahaha. bakit nung sinakal kunwari ni nanayuki ung isang housemate sa unliday walang kaekekan na ganyang force eviction.i know mali din si deniesse sa action niya but kasalanan un ni paco bakit kasi kay deniesse siya masyadong nagdi2kit nung tasks na un eh alam niya namang bitchesera un dapat sa mga dati niya na lang HM's siya lumapit.hahaha

  • gravatar Anonymous
    December 5, 2011 at 2:15 PM | Permalink

    HALEEER.... BAT PACO KAYO NG PACO? PANSININ NEU NAMAN ANG SLAVINE!!!! NAKAKAINIS, FAVORITISM!

  • gravatar Anonymous
    December 8, 2011 at 10:03 PM | Permalink

    i love slavine, bka dito maging girl si devine

  • gravatar Anonymous
    March 2, 2012 at 11:19 PM | Permalink

    NAKAKAINIS DAPAT HINDI NATANGGAL SI DENIESSE AYAW KO NA TULOY MANOOD NG PBB WALA NG GANA ! I HATE IT ! -GWYNETH

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS