Film Review: 'Segunda Mano', Pinakamagandang Movie ni Kris Aquino


Share



Kahit 'Segunda Mano' ang title ng 'Segunda Mano', ang pelikulang ito ay nagpakita ng isang bagong twist sa Pinoy Horror Film as in hinde 'Segunda Mano' ang twists na mayroon sa pelikula na ito.

Gaya ng pulang bag na siyang pinakabida sa pelikulang ito, ang 'Segunda Mano' ay naglalaman rin ng iba't-ibang surpresa. Unahin na natin sa Direktor nito na si Bb. Joyce Bernal. Noong madinig ko na ang balitang si Bb. Joyce ang magiging direktor eh kinabahan ako, medyo disappointed pa nga ako kasi alam ko kilala siyang Direktor ng mga romantic films. Pero ng mapanood ko na ang pelikula, nasabi ko sa sarili ko na may K as in Karapatan pala si Bb. Joyce na gumawa ng isang horror film. Bongga siya!

Isa ding surpresa sa pelikulang ito si Bangs Garcia, I'm sure kung napanood ninyo na ito, ay lahat sasang-ayon sa akin. Sa totoo lang, sorry to say, pero nilamon niya ng buhay ang bida nito na si Ms. Kris Aquino. Super bongga ng performance niya, dati di ko siya type bilang isang artista, ngayon like na like ko na siya. At para sa akin, siya ang aking Best Supporting Actress ng Metro Manila Film Festival 2011. Maraming sya pasabog na scenes pero pinakagusto ko yung scene niya sa kalye.

Ang performance din rito ni Dingdong Dantes ay isa ring surpresa. Ito ang pelikula niya na napanood ko na makikita mo ang lalim at husay ng kanyang pag-arte. Kung pagbabasehan mo sa trailer ng 'Segunda Mano' iisipin mo na ah isang normal na Dingdong lang ang mapapanood mo pero like what I said, once na mapanood mo na ang pelikulang ito eh ibang Dingdong ang mapapanood ninyo. At kung ako ang tatanungin may K as in may Karapatan siyang maging Best Actor ng MMFF 2011!

Hinde rin nagpatalo ang editing ng 'Segunda Mano', kung hinde dahil sa bonggang editing ay baka pumanget ang pagka-presenta ng story at twists. Medyo di ko bet ang Musical Scoring, dahil naging predictable ang ilang scenes dahil sa scoring ha.

Kung iniisip ninyo na ang story ng 'Segunda Mano' ay gaya sa mga ibang Pinoy horror films ay nagkakamali kayo. Gaya ng sabi ko kanina, hinde 'Segunda Mano' ang twists na mayroon sa pelikulang ito, unpredictable ang twist, na siya namang pinakamalaking surpresa.

How about Kris Aquino's preformance? She did a good job naman, I think nag-improve siya kumpara sa mga dati niyang pelikula, pero parang nakulangan pa rin ako sa performance niya. Si Angelica Panganiban naman ay naibigay naman niya ang hinihingi ng role niya, pero medyo nalabuan ako sa story ng family niya. Hinde rin naman nagpahuli sa acting si Ms. Helen Gamboa, andun pa rin ang husay niya sa pag-arte.

Tama ang decision ni Ms. Kris na i-produce niya ang pelikulang ito, dahil ito ang kanyang pinakamagandang pelikula.... Tamang takot at drama, swabeng love story, 18 times akong pinatili at bonggang twists... May K as in Karapatan sa titulong Best Picture ng MMFF 2011 ang 'Segunda Mano'

Photo by Star Cinema


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

4 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS