Film Review: Pelikula ni Maricel Soriano sa MMFF 2011 Magaling Magpatulog


Share



Ay naku mga teh, kayo ay ba di nakakatulog o nahihirapan kayong makatulog? Oh puwes inirerekomenda kong panoorin ninyo ang 'Yesterday, Today, Tomorrow' dahil napakagaling niyang magpatulog!!!

Infairness, nagising naman ako sa mga madadramang eksena ni Maricel Soriano, as in hinde pa rin nawawala ang husay niya sa pag-arte pero ang ganung klaseng arte niya ay nakita na natin sa mga dati niyang proyekto, at sa totoo lang hinde niya ito ang pinakamagaling niyang performance. Pero may K as in Karapatan si Tita Maria na maging Best Actress sa MMFF 2011.

Magaling din naman ang mga supporting cast pero itong si Jericho Rosales ang OA kung umarte, di niya yata alam ang hinihingi ng character niya sa pelikula. Di ko naramdaman tuloy ang character niya, nairita ako!

Ang problema sa movie na ito ay ang gamit na gamit nitong istorya. Pati yung mga eksena, ano ba yan napagdaanan na ng panahon. Kapag napanood mo ang movie na ito, para ka lang nanonood ng isang teleserye ng GMA sa hapon. Hahahaha! Wala namang masama sa isang drama film, pero dapat lagyan ng modern taste at pasabog para magustuhan ng viewers, isang magandang halimbawa ay ang film na 'No Other Woman'. Wala ring bago sa atake ng direktor, para lang talaga siyang panghapong serye ng Kapuso

Dahil sa gamit at predictable na story ng 'Yesterday, Today, Tomorrow' naging mabisa itong pampatulog!

Photo by Regal Films


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS