Film Review: 'Enteng ng Ina Mo' & 'Panday 2' Nakakaaliw


Share



Aliw ang dulot ng mga pelikulang 'Enteng ng Ina Mo' at 'Panday 2' pero sa totoo lang predictable at mababaw ang story nito.

Sa 'Panday 2' isang gamit na gamit Good vs. Evil ang story nito, walang twist, kung meron man baka hindi ko siya naramdaman, hahaha. Speaking of di ko naramadaman, di ko rin naramdaman ang performance ni Bong Revilla sa pelikula, para syang pagod na pagod, at ang mga stunts, walang bago at hinde bongga!

Damang dama ko sina Iza Calzado at Philip Salvador sa pelikula pero karamihan sa cast eh para lang nagpa-practice!!! Ang special effects hinde naman bongga, I mean hinde ako nabonggahan gaya ng sinasabi nila sa praise release nila. Kitang kita mong hinde pulido ang pagkakagawa sa Special Effects, pero sa lahat ng kasali sa MMFF 2011, eh ito na ang pinakabongga! Buhay na buhay ang pelikula dahil sa bonggang musical scoring nito!

Sa kabuuan, kung bata ka mag-eenjoy ka sa pelikulang ito. Kung hanap mo ay pelikulang walang lalim lakas maka-aliw at good vibes eh pasok ang pelikulang ito.


Gaya ng 'Panday 2', ang 'Enteng ng Ina Mo' rin ay isang pelikula para sa mga bata o at mga taong hanap lang ay good vibes at aliw. Sa totoo lang nakakatawa siya.

Fan ako ng 'Eat Bulaga' at ni Bossing Vic Sotto pero sa totoo lang wala pa yata akong napapanood na BUO na ano mang pelikula ng 'Enteng Kabisote' series kaya ng mapanood ko ang 'Enteng ng Ina Mo' ay parang mas nagustuhan ko ang 'Tanging Ina Mo Last Na 'To'. Baka naman siguro dahil sa iba ang direktor nito at hinde si Wenn Deramas ng 'Tanging Ina Mo'. Infairness kahit iba ang direktor eh bongga pa rin ang preformances nina Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo.

Pasado din naman ang performance ni Bossing Vic, nabigay naman niya ang hinihingi ng character niya! Swabe pa rin siya magpatawa at panalong-panalo ang John Lloyd Cruz scene niya.

Nagustuhan ko rin kung paano napagsama sa story ang mundo nina Enteng at Ina. Medyo predictable ang story like 'Panday 2' pero naging realistic ang story naman, realistic in terms sa family issue and having an affair sa ibang babae. Yung special effects, understandable naman kasi nga comedy film na ito, maybe kaya ganun ang special effects ay upang patawanin ang viewers. The film is just okay naman pero puno ito ng katatawanan.

Like I said, kung hinde mo tipo ang ganitong film eh huwag ka manood dahil baka hinde mo siya magustuhan! Pero kung gusto mo tumawa eh manood ka dahil tatawa ka talaga.

Photos by GMA Films and Star Cinema


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS