Byxbuzz Naging Source ng PerezHilton.com


Share



Noong Enero ng taong ito ay muli kong binuksan ang blog kong ito dahil nga sa huling taon ng 'Harry Potter' film franchise. Gusto ko i-blog at i-share sa iba ang mga latest na balita, kaganapan at rumors sa huling taon ng pinakamamahal kong istorya. Kaya naman ilan sa entry ng blog ko ay kadalasan tungkol sa 'Harry Potter'

Summer this year ng simulan ko ang 'Harry Potter Finale Special' ng BYXBUZZ kung saan puro 'Harry Potter' news na ang nilalaman nito. At isa sa nga sa mga biyayang natanggap ng blog na ito ay ng maging source ng PerezHilton.com, ang No. 1 Showbiz sa blog sa buong mundo, ang isa sa mga entries ko tungkol sa 'Harry Potter'.

Ang post ko na Snape Dies in the Boathouse and Not in Shrieking Shack in 'Deathly Hallows 2' ay nagamit bilang source sa PerezHilton.com na makikita at mababasa rito

Naging source din ako ng iba pang International blogs (SnitchSeeker, Portkey, Oclumencia, MuggleNet, Leaky Cauldron, etc) at ito ang article ng Hypable kung saan naging source ako (mababasa rito)

Ang number 1 na tagapagbigay ng Harry Potter Update (@HPUpdate) sa Twitter ay naging source din ako. Sa mga forum, source din nila ako at ang aking blog gaya ng sa mga sumusunod:

HarryPotterForum.com (mababasa rito at rito)
Yahoo! Mexico (mababasa rito)
FilmBuzi (mababasa rito)
Magical-Menagerie.com (mababasa rito)
Journalfen.net (mababasa rito)

Isa din ako sa unang nagbalita na may gaganapin na Test Screening ng 'Deathly Hallows 2' sa Chicago noong April 1. At pati nilalaman ng Test Screening binalita ko, bale binahagi ko ang description ng buong pelikula.

Sa buong mundo ako ang unang nagbalita tungkol sa Harry Potter 3D Glasses, pati halaga nito binalita ko rin (syempre bumili ako at nagbayad ng bongga sa custom). Pati mga naganap sa Philippine Premiere night nito ay binalita ko. Ako din unang nag-share ng mga description ng Posters at banners ng nasabing pelikula (na napost din sa HarryPotterForum.com).

Naging matagumpay nga ang taong 2011 para sa BYXBUZZ, sana maipagpatuloy ko sa 2012 ang pagbibigay ng mga fresh chikas!!! Maraming salamat sa pagmamahal at sa inyong inis sa aking blog. Salamat din sa Warner Bros., Apple, realD Cinema, Potterheads, at sa mga Kilalang International Bloggers sa buong mundo lalo na sa iyo Perez Hilton.

Muli salamat sa taong 2011!!!

Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    January 2, 2012 at 8:00 AM | Permalink

    This post has been removed by a blog administrator. me ganun talaga??? loser mo pala? anong klaseng site to? naglagay ka pa ng comment box??? patawa ka ba?

  • gravatar Anonymous
    January 2, 2012 at 8:04 AM | Permalink

    This post has been removed by a blog administrator. me ganun talaga??? loser mo pala? anong klaseng site to? naglagay ka pa ng comment box??? patawa ka ba?

    ANG BIG SURPRISE NI BYX SA 2012?? DELETE COMMENTS! WAAAAH!!! LOLOLOLOLOL!!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS