'Big Brother' & 'Deal or No Deal' Lilipat na sa Time Warner?


Share



Tanong ng marami ngayon mapupunta na ba sa Time Warner ang Dutch Company na Endemol, na nasa likod ng mga hit TV show franchises na 'Big Brother', 'Deal or No Deal', 'Extreme Makeover: Home Edition', 'Star Academy/Operacion Triunfo', 'Fear Factor', 'Wipeout' at marami pang iba?


Ang Endemol ngayon ay humaharap sa malaking pagkakautang na may halagang $2.6 billion at interesado ang higanteng Time Warner sa Endemol kaya nag-offer sila ng $1.3 billion. Narito ang naging official statement ng Endemol na inilabas ng kanilang Spokesman:

Endemol has received a revised offer from TW. The company has passed it on to the lenders. We remain focused on our discussions with lenders and these have entered the final stages. We are confident that a solution that puts the company on a firm financial footing for the future is now imminent.

Ano nga ba magiging epekto nito sa ating mga Pinoy TV viewers? Alam naman natin na may 3 taon pa ang 'Big Brother' at 'Deal or No Deal' sa ABS-CBN habang ang 'Extreme Makeover: Home Edition' ay nasa TV5 naman, kung mapupunta ang Endemol sa Time Warner maaaring ito maging dahilan ng paglipat ng 'Big Brother' at 'Deal or No Deal' sa TV5. Paano kung mas panigan ng Time Warner ang offer ng TV5? Maaaring mas maging mahigpit ang Time Warner sa Live Stream at International broadcast ng 'Pinoy Big Brother' o maaaring maging mas maluwag sila.

Kung Time Warner na ang maghahawak sa Endemol, iyan ang malalaman natin sa mga susunod na araw. Higante ang Time Warner at sana maging mas maganda ang pamamalakad nila sa mga franchised TV shows nila na umeere sa atin if ever na matuloy nga ang pagbili ng Time Warner sa Endemol.

Photo 1 by Endemol Australia and Network Ten
Photo 2 by NBC and Endemol USA


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

4 Comments

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 9:29 PM | Permalink

    I would still love Pinoy Big Brother to air in ABS CBN.The network knows how to run the show even w/ their eyes closed and they have the best staff ever.lol.
    I hope Time Warner would see how PBB has become an integral part of Filipino family's tv viewing habit and how Kapamilya network's treatment of the show made it distinctly Filipino in taste and manner.TFC subscribers abroad truly love the show so much and it will be a loss not just to them but to every Filipinos who are used to see it on ABS.
    I am afraid that if TV 5 handles PBB ,it will meet its early demise.Game show "Who Wants To be A Millionaire" is currently airing in TV 5 but it's no longer the way it used to be.

  • gravatar Anonymous
    December 16, 2011 at 11:26 PM | Permalink

    nadaya nanaman ni kuya ang HV. Kanina sa unliday episode play nang pbb yung musik video nang wayuk, yung sa wayuk lang. Pero nung sa unlinight episode ay play nila ang musik video ng HV and then nagulat ako na Play din nila ang musik video ng team wayuk. Inuna nila yung sa HV at sumunod ang sa wayuk! Madaya talaga si kuya.Wow, medyo kitang kita na binibiyan nanaman nang pbb ang team wayuk ng advantage.

  • gravatar Anonymous
    December 17, 2011 at 1:13 AM | Permalink

    Woooo !!! Ilipat ang pbb sa tv5 at gawing US version, tiyak madami manonood kasi more drama,more competitions, more strategy, more conniving at betrayals at most importantly MORE FIGHTS!!!! I cant wait :D

  • gravatar Anonymous
    December 20, 2011 at 5:56 PM | Permalink

    Pag nilipat sa tv5 ang PBB at Deal Or No deal, katapusan na rin yan ng PBB at DOND. ABS-CBN lang ang may KARAPATAN sa mga FRANCHISE kasi NABIBIGYAN nila ng HUSTISYA.

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS