Kilalanin ang 5 Housemates ng Luxury House ni Big Brother


Share





Kagabi, pinagdesisyunan ng mga lalakeng Housemates sa Looban na paalisin ang 3 nilang girl Housemates na sina Diane, Joya, at Wendy at gawing Official Housemates ang 3G (Reserve Housemates) na sina Deniese, Cindy at Rhea.

Umiyak ang mga Housemates lalo na si Ate Luz dahil napalapit na sa kanya ang mga ito at todo rin ang iyak nitong sina Biggel at Kigoy pero silang 2 naman ang todo sabi kay Kuya sa Confession Room na paalisin ang mga ito (plastic bag).

Umalis nga sina Wendy, Joya at Diane habang sina Seiichi at Jaz ng 'Pinoy Big Brother UnliDay' naman ay sinabihan ni Kuya na mag-impake ng gamit at umalis sa Industrial House ng di nalalaman ng mga tulog nilang kasamahan. Nahirapan si Seiichi na umalis dahil nagising ang bagong housemate na si Reg, muntik nha nga siyang mahuli kaya nagpanggap siyang natutulog sa sahig.

Naging matagumpay naman ang paglabas nina Seiichi at Jaz at ngayon nga ay kasama na nila sina Wendy, Joya at Diane sa Luxury House ni Kuya (sila ang unang limang Housemates na titira doon). Habang si Slater ay ipinaliwanag sa mga ibang hoousemates ang kanyang naging task na may kinalaman sa pag-alis nina Wendy, Diane at Joya.


Ngayong Hapon nga ay giniba ang Looban ni Kuya at dinala ang mga natitirang 'Pinoy Big Brother UnliNight' Housemates sa Truck. Ang tanong saan sila titira, iyan ang dapat nating abangan sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'


Photo 4 by TFC God Father
Photo 5 by IaDelaCruz and PinoyBigBrother.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS