Housemates Seiichi & Luz Lumipat na sa 'PBB UnliDay'


Share



Kagabi nga inanunsyo ni Big Brother na maglalaban ang mga Housemates ng 2 bahay niya for 10 weeks kung saan ang mananalong grupo kada linggo ay magkakamit ng 150,000.

Team Wayuk ang itinawag ng UnliDay Housemates sa kanilang grupo at Team High Voltage naman sa kabila. Pero dahil mas marami ang Housemates sa UnliNight sinabi ni Big Brother na kailangang lumipat ang 2 sa kanila.

Bago pa mag-umpisa ang live show ay mayroon ng 4 HOH (Heads of Household) at at ayon kay Kuya ang 4 HOH ay parte ng 8 Housemates na pagpipilian ng UnliDay Housemates. Para mabuo ang 8, pinagnominate niya ang mga Housemates ng 4 na gusto nilang ilipat. At ang 8 Housemates na ito ay sina Seiichi, Divine, Tol, Kigoy, Biggel, Luz, Jazz & Carlo.

Ang 8 ay pumunta sa Confession Room ng UnliDay at doon ininterview sila ng 5 sa UnliDay Housemates na sina Mark, Jessica, Lyn, Steph & Unad. Super pa-impress sina Carlo, Luz & Tol. Na-turn off sila kay Tol ng makapa nila ang bilbil nito. Super kapa naman sa katawan ni Carlo si Lyn. Ayon kay Jessica perfect si Carlo sa mga Challenges.

Noong una sina Luz at Carlo ang gusto nilang kunin pero dahil mas mukhang masaya si Seiichi sa UnliDay eh opisyal nilang pinili sina Seiichi & Luz. Ayon kay Mark, it was a family over money. Todo antay naman ng Team High Voltage sa mga Housemates na lalabas sa Confession Room na nangangahulugan ng di napili ng kabila. Nang makita nila Tin & Slater ang kaibigan nila na si Divine na lumabas sa Confession Room todo iyak & yakap nila. Sabi naman ni Deniesse ang bob* ng kabila dahil di nila pinili si Carlo.

Ayon kay Seiichi mas gusto niya ang UnliDay Housemates kasi puro away sa UnliNight.


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS