Housemates Kim & Mark Pinatawan ng Automatic Nominations, Paco & Erica Ligtas na sa Eviction


Share




Inatasan ni Big Brother ang mga 'Pinoy Big Brother UnliDay' Housemates na sina Paco at Erica na mag-imbestiga kung sino sa kanilang 2 kasamang Housemates ang may relasyon. Kagabi nga sa Industrial House ay naganap sa isang hearing at ayon sa mga huradong sina Paco at Erica sina Mark at Kim ang may relasyon. Iyon din ang naging desisyon ng ilang Housemates gaya ni Namprey na binase ang desisyon sa mga kakaibang niya napapansin sa dalawa.

Noong una dini-deny nina Mark at Kim na may relasyon sila pero sinabi na rin ni Big Brother ang kanilang sikreto. Dahil sa naging desisyon nina Paco at Erica sila ay binigyan ng immunity para sa darating na 1st Nomination Night habang sina Kim at Mark ay nabigo sa kanilang task kaya pinatawan sila ng Automatic Nominations.

Si Mark ay nagalit sa pagkwestiyon sa kanila ni Paco. Ayon sa kanya, di siya galit kay Paco pero galit siya sa ugali nitong arogante at self-centered.

Para sa buong detalye manood ng 'Pinoy Big Brother UnliDay' sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN

Photos by Laro


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS