Housemate Kim de Guzman Nagseselos kay Jessica Connelly


Share




Kagabi nga ipinakilala sa 'Pinoy Big Brother Unlimited: Unligayang Pamasko' ang mga unang bahagi ng UNLIMITED surprises ni Big Brother. Una na nga rito ang ikalawa niyang bahay ang Middle Class House. Sumunod ay ang kapalartan ng 6 Housemates na na-evict sa Slum at ang pangatlo ay ang pangatlo ay ang pagpapakilala sa bagong 15 Housemates ng season na ito isa na nga rito ay ang boyfriend ni Housemate Kim de Guzman na si Mark Luz na inulat ko sa inyo noong nakaraang buwan na mababasa rito. Ako ay nagulat ng hinde sinabi sa VTR na si Kim ang girlfriend ni Mark.

Kaninang umaga nga ay pinapasok na ng Middle Class PBB House ang UnliDay Housemates. Isa-isang pumasok ang Original Housemates para isa-isa ring sunduin ang Housemate na nasa 2nd Confession Room. Pero pinagsabihan ang first 6 UnliDay Housemates na huwag sasabihin sa bagong Housemates na isang linggo na sila nakatira doon at mayroong Slum.

Ang sumundo kay Mark ay walang iba kung di si Kim na girlfriend niya nga. Pero marami ang viewers (live stream) ang natuwa sa paglabas ng 2 mula sa Confession Room dahil nagpanggap sila na di magkakilala. At malamang sa loob ng confession room sinabi ni Big Brother na kailangan nilang magpanggap na di magsyota.

Dahil sa alam ng ibang UnliDay Housemates na di sila magkakilala ay walang takot na sinabi ni Housemate Ate Paco na bagay sina Kim at Kevin pero cool lang si Mark. Pero itong si Jessica ang Snow White na nanglait sa mga fans ni Mario Maurer at kay Mario Maurer ay mukhang napalapit kaagad kay Mark, medyo natipuhan niya yata ito na mukhang ikinatuwa din naman ni Kevin.

At dahil sa mga pangyayaring iyon ay halata sa mukha ni Kim ang pagkayamot sa kanyang boyfriend at sa kanilang itinatagong lihim. Kaya ang drama niya ay ang magpaganda ng bongga. Hmmmm.... selos si girl. Di ka dapat magselos girl, pero dapat kang matakot kay Snow White.... Hahaha Pero ready na ang fans ni Mario Maurer kay Snow White.




Photos by Mga Laro (Thank You!!!)


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

2 Comments

  • gravatar Anonymous
    November 8, 2011 at 10:28 AM | Permalink

    hehehe kawawa naman dapat matapos na yang task

  • gravatar rachel roa
    November 21, 2011 at 7:27 PM | Permalink

    i love kim and mark <3

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS