Housemate Diane Mapapalayas na sa 'PBB UnliNight'?


Share



Kasalukuyang nag-uusap ang mga guy housemates ng 'Pinoy Big Brother UnliNight' kung sino sa mga girl housemates nila ang papalayasin nila. Sina Wendy, Diane at Joya ang pinagpipilian nila, at ginagatungan ito ni Slater habang pinuprotektahan sina Tin at Divine. Pero sa ngayon balak nilang palayasin si Housemate Diane.

Ayaw paalisin ni Kigoy si Manang Luz at gayundin si Casey. Si Casey ay bata pa raw at kailangan daw nito maiwan sa PBB kasi marami pa daw ito matutunan sa loob ng Bahay ni Kuya. Sumang-ayon naman sa kanya si Tol at sinabi pa si Casey ang dahilan kung bakit mayroon silang kinakain this week. Iginigiit ni Kigoy na dapat patalsikin ang crush niyang si Diane.

Ayon kay Slater kaya pinili niya sina Wendy, Diane at Joya na mapalayas dahil sa mga tamad daw ito hinde daw gaya nina Divine at Tin na anak mayaman pero gumagawa ng mga gawaing bahay.

At like I said, as of this moment si Diane ang gusto nilang palabasin ng Bahay ni Kuya at inaantay ni Kuya ang kanilang final decision. But I think, ililipat lang ni Kuya si Diane (if ever na matanggal) sa Industrial House ('Pinoy Big Brother UnliDay').

Abangan ang buong detalye sa 'Pinoy Big Brother Unlimited' this weekend.

Photo by ABS-CBN.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS