Housemate Biggle Umiyak Dahil sa Ice Cream


Share




Kagabi si Biggle at lahat ng girl Housemates ng 'Pinoy Big Brother Unlinight' ay umiyak dahil sa inamin niya sa mga ito.

Naglaro kasi ang mga Housemates ng tirador at kung sino mang Housemates ang manalo ay may premyo. Si Kigoy nanalo ng napakasarap na manok at Ice Cream naman kay Biggle.

Habang umiiyak ay na-ikwento ni Biggle na yun ang 1st time niyang makatikim ng Ice Cream sa buong buhay niya. Dagdag niya pa tinitipid daw niya ang kinikita niyang pera para may pambaon ang mga kapatid niyang nag-aaral. At naiyak nga ang mga Girl Housemates pati na rin ang mga Pa-Girl na sila Roy, Eting at Jerico.

Habang umiiyak sila eh sumingit naman itong si Kigoy at ikinuwento niya ang kanyang paglalayas and luckily walang pumansin sa kanya. Habang si Ate Luz ay naiinggit sa Ice Cream ni Biggle.

After ng game ay ipinagpatuloy nila ang practice ng Pole Dancing task nila at si Tol todo effort sa pagpractice. Tingnan ninyo naman wagas na wagas ang hitsura niya kulang na lang ng Mang Tomas at Apple, ahahaha.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS