TV5 Ibinunyag na si Shamcey Supsup ang Bagong Host ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'


Share



Todo na nga ang paghahanda ng ABS-CBN sa pangunguna ng unit ni Direk lauren Dyogi para sa pagsisimula ng epic at pinakamalaking season ng 'Pinoy Big Brother' ang 'Pinoy Big Brother Unlimited' na nakatakdang magbukas sa end of October.

Gaya ng mga nabalita ko rito at natweet ko sa twitter, may malaking pagbabago sa Bahay ni Kuya na talaga nga namang End of an Era dahil na rin siguro ito ang hinihingi ng bago at bonggang format ng season na ito at sa balita ngang di na nila ka-partner ang Globe Asiatique na nasa likod ng Old Yellow House ni Kuya.

Noong October 7 nga ay na-ibalita ko ang rumor na si Shamcey Supsup daw ang bagong host ng 'Pinoy Big brother Unlimited' na mababasa rito. At kanina nga sa 'Juicy Express' ng TV5 ay ibinalita ng isa sa mga hosts nito na si IC Mendoza na si Shamcey nga raw ang napababalitang bagong host. Para mapanood ang nasabing episode just click here

Malapit ng makilala ang bagong host/s at ito ay mangyayari sa nalalapit na presscon ng show.

Photo by Mico del Rosario


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS