'Survivor Philippines' Lalayasan na ang GMA?


Share



Marami ang nagulat sa blind item ni Mell T. Navarro noong isang araw tungkol sa isang international reality show na iiwan na ang kasalukuyang TV network nito at mukhang lilipat sa ibang network dahil daw sa di umano'y di nito pagsunod sa official rules ng programa. At ayon pa sa tsika kaya daw na-delay ang paparating na season ay dahil daw sa mga naging problema at isa rin nga raw ang financial problem. At itong paparating na season ay ang huling season na raw, at baka lumipat nga sa ibang netowk.

Marami ang nanghula at tinuro ang 'Pinoy Big Brother', eto ang naisip ng nakakarami dahil eto ang pinaka-popular na reality show ng Pinas pero mali ang hula ninyo, just read this.

Pero ayon sa aking pananaliksik ang nasabing reality show na tinutukoy sa blind item ay ang 'Survivor Philippines' ng GMA na tinaguriang Number 1 Reality Show ng Pilipinas yan ay ayon sa mga taong napadalhan ng AGB-Mega Sardines.

Ilang nga raw na-violate ng GMA ay ang pagkakaroon ng Live Text Voting sa Final Tribe Council at gayundin ang di pag-shooting ng Season 4 (upcoming season) sa ibang bansa (ayon nga sa tsika sa Palawan lang ito nag-shoot).

Yan ay tsika pa lang naman. Antayin ninyo na lang kung makikita natin sa TV5 ang 'Survivor'.

Photo by GMA News
Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

3 Comments

  • gravatar Anonymous
    October 20, 2011 at 4:11 PM | Permalink
    This comment has been removed by a blog administrator.
  • gravatar Anonymous
    October 21, 2011 at 3:18 PM | Permalink

    LOL, I'd be surprised if Survivor moved to ABS-CBN. XD

  • gravatar Anonymous
    May 12, 2013 at 1:58 AM | Permalink

    Sana mamove to sa ABS :(( please! Wag na sanang babuyin ng GMA ang survivor

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS