Sharon Cuneta Lilipat na sa TV5? Sino Deserving Pumalit sa 'Biggest Loser'?


Share



Sa ginanap na victory party ng unang season 'Biggest Loser Pinoy Edition' ay sinabi ng Business Unit Head nito na si Direk lauren Dyogi na umaasa siya na si Sharon Cuneta pa rin ang magiging host ng 2nd season nito na 'Biggest Loser Pinoy Edition Doubles'.

Dagdag pa niya na alam nila na mahal sila ng Megasatar pero yun nga lang ang manager nito ang may gusto na ilipat siya sa TV5 kapag natapos ang kontrata nito bago matapos ang 2012.

Nasabi din ni Direk Lauren na target niyang ipasok ang isang celebrity sa next season ng 'Biggest Loser' pero di daw ito nakapasa sa medical exams. At kung ngayon pa lang namimiss ninyo na ang isa isa pinakamagandang reality shows ng Pinas eh huwag kayong mag-alala dahil sa summer next year eh muli na ninyo itong mapapanood. Dahil nga sa mukhang malaki ang chance nang paglipat ni Sharon sa TV5, sino sa tingin ninyo ang karapat-dapat na maging host nito? Ako bet ko si Charlene Gonzalez.

Photo via ABS-CBN.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS