Rocco Nacino Niladlad na ang Pagmamahal niya kay Paulo Avelino


Share



OMG! Shocking!!! Kung dati rati ay usap-usapan lang ang di umano'y kwestiyunableng kasiraan ng Kapuso Male Star na si Rocco Nacino pero ngayon ay lantad na.

Nilantad na nga niya ang pagmamahal sa dating kapwa niya Kapuso at ngayong Kapamilya Star na na si Paulo Avelino. Pero bago pa madurog ang mga puso ng mga Ineng dyan eh basahin ninyo muna ito. Ang pagiging bakla ni Rocco ay para lamang sa papel niya sa indie film 'Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa'.

Sa pelikula gagampanan ni Paulo Avelino ang karakter ni Marlon na na-inlove sa kanyang College Professor na si Karen, played by Jean Garcia. Nalaman ni Marlon an itong si Karen na loves niya ay isa ring Dance Teacher.

Para magpa-impress kay Karen eh nagdesisyon siyang mag-aral ng mga sayaw. Tinulungan naman siya ni Dennis, played by Rocco Nacino. Di alam ni Karen na nagpapaturo ng sayaw si Marlon. Ito namang si Dennis ay nahulog ang puso kay Marlon ngunit di naman masuklian ni Marlon ang pagnanasa at pagmamahal ni Dennis sa kanya.

I'm sure mapapasayaw kayo sa istorya ng pelikulang ito at andyan na rin yung kikiligin kayo sa kakaibang love triangle story nito. Ang 'Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa' ay naging kalahok sa 2011 Cinemalaya, kung saan ito nananlo ng 2 awards. Dekalibre ang pelikulang ito na Graded A ng CEB at malapit ng mapanood sa mga sinehan. Watch the trailer:



Photo via Ateneo.edu


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS