'Pinoy Big Brother' Magpapaalam na sa Ere?


Share




This next PBB season is a very emotional one because it is the end of an era, but it is also the most grand season ever.

Iyan ang na-tweet ni Bianca Gonzalez matapos nilang (hosts) makipag-meeting sa Business Unit Head Lauren Dyogi at staff ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'. Marami ang nag-isip na ang tweet ni Ate Bianca ay nangangahulugan na ito na ang Huling Season ng 'Pinoy Big Brother'.

Inaamin ko todo ang lungkot na aking nadama ng mabasa ko ito dahil fan ako ng 'Big Brother' as in wala pang PBB eh fan na ako. Kaya nang makita ko ang unang TV plug nito noong Mayo 2005 ay alam kong Pinoy version na ito ng 'Big Brother' at laking tuwa ko na makumpirma ang hinala ko. Kaya kung matatapos ang PBB eh isang malaking kalungkutan ito para sa akin.

Kaya naman tinanong ko ang unit ni Direk lauren at eto ang naging sagot:

As for PBB last know this is not the last season.


Oh golly, I'm happy now!!! So kung hinde ito ang last season ng PBB ano ibig sabihin ng End of an Era tweet ni Ate Bianca.

Ang nasagap ko ay may bagong mukha ang Bahay ni Kuya, so babaguhin na ba ang Yellow-Blue Facade ng Bahay ni Kuya. May balita akong nasagap na di umano'y di na nila kapartner ang Globe Asiatique na nagpapamigay ng House and Lot na papremyo sa PBB after daw masangkot ng Globe Asiatique sa Pag-Ibig controversy.

Sa ngayon tanging pamunuan ng PBB kung ano nga ba ang kahulugan ng End of an Era tweet ni Ate Bianca at ng subtitle nito na UNLIMITED

Photo 1 by ABS-CBN and Endemol
Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS