KUMPIRMADO: Robi Domingo & Martin Concio Bagong Hosts ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'


Share



Kung gusto po ninyo makita yung ibang possible housemates, i-search ninyo lang po dito sa blog ko. Salamat!

Kinumpirma na sa 'TV Patrol' ang balita ko na sina Robi Domingo at Martin Concio ang bagong hosts ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na mababasa rito at rito (sa blog na ito unang nabalita na sina Robi and Martin ang new hosts di gaya ng iba dyang blog na pinagpipilitan na sina Valerie Concepcion at Angel Locsin ang bagong hosts, kawawa naman sila. Byx is resourceful! x).

Sa pagkawala ni Mariel Rodriguez ay nawala na rin ang spin-off show ng 'Pinoy Big Brother'a ng 'Uber'. Isang bagong afternoon show ang handog ng ABS-CBN para sa muling pagbubukas ng Super Bonngang Bagong House ni Kuya. Sino nga ba si Martin Concio eto basahin ninyo ito

Ngayong araw ginanap ang pictorial ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Robi Domingo at Martin Concio at sa Lunes daw magaganap ang presscon ayon sa nasagap ko pero gaya ng dati eh abangan na lang natin ang official na kumpirmasyon kung totoo ito.


Ang 'Pinoy Big Brother Unlimited' ay magsisimula sa October 29. At balita ko mawawala na raw yung Yello House ni Kuya dahil di na raw na nila ka-partner ang Globe Asiatique na nasangkot sa isang anomalya. DMCI na raw ang kapartner ng 'Pinoy Big Brother Unlimited' na naging ka-partner din ng unit ni Direk Lauren sa 'Biggest Loser Pinoy Edition'. Kaya rin daw babaguhin ang mukha ng bahay, ayon sa sabi-sabi eh para mapanindigan nila ang UNLIMITED format.

Photo 2 by Bratty


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS