Kapuso Star Suzuki Sadatsugu, Isa sa Possible Housemates ng 'PBB Unlimited'?


Share



Kung gusto po ninyo makita yung ibang possible housemates, i-search ninyo lang po dito sa blog ko. Salamat!

Gaya ng naibalita ko noong isang araw sa blog ko, ngayong gabi nga naganap ang graqnd presscon ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'. Present sa nasabing event ang mga hosts ng reality show na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez at Robi Domingo at gayundin ang Business Unit Head na si Direk Laurenti Dyogi. Ito ang sweet, dahil pinakilala sa press ang mga magaganda, gwapo at sexy na production staff ng programa na syang nasa likod ng tagumpay ng reality show na mahigit anim na taon na namamayagpag.


Tinanong sa presscon ang pagkawala ni Mariel Rodriguez bilang isa sa mga hosts nito pero ayon kay Direk Lauren ay di daw bagay na pag-usapan si Mariel dahil di na ito parte ng show.

Ayon kay Toni, sina Robi Domingo at Martin Concio ay hinde raw ang mga pumalit kay Mariel bagkus ay itinuturing daw nila na karagdagan sa kanilang pamilya.

So eto na nga pansin ninyo ba na wala si Kuya Martin Concio, well pag-uusapan natin yan maya-maya lang. Dito muna tayo, kahapon nga ay naibahagi ko dito sa blog ko ang nasagap kong tsismis na di umano'y isa raw sa possible housemates itong si Renz Fernandez (mababasa rito) at ngayon nga ay ibabahagi ko naman sa inyo ang pang-limang nasagap ko na di umano'y isa sa POSSIBLE Housemate ng 'Pinoy Big Brother Unlimited'.

Ngayon nga binuksan ang bagong website ng PBB, dito makikita ang mag audition photos for this season. Marami ang nakapansin sa isa sa mga photo na naka-upload doon. Dahil sa nasabing photo makikita ang Kapuso Star at former 'Survivor Philippines 2' Catsaway na si Suzuki Sadatsugu. At take note sa Japan nag-audition si Suzuki, hinde rito sa Pilipinas, huh?


Kahit may angkin kagwapuhan itong Japinoy Model na ito ay hinde pa rin sya hustong sumikat kahit na sumali sya sa di umano'y Number One Reality show ayon sa mga taong napadalhan ng sardinas ng GMA! Mas nakilala pa siya bilang ang lalakeng natipuhan ng host na si Arnel Ignacio.

Sa ngayon ay wala pang nakakaalam kung pasok sya bilang Official Housemate dahil ayon saking nasagap eh hinde pa dumadating ang representative ng Endemol na may "say" kung sinu-sino ang titira sa mga Bahay ni Kuya.

Speaking of bagong website, marami ang nakapansin sa bagong background image nito (yung isang side gabi, yung isa naman umaga). Ang tema nga ng nasabing image ay halos parehas sa teaser screenshot na pinost ko dito noong isang araw. Talaga nga namang UNLIMITED itong pasabog ni Big Brother na talaga namang tutukan mo mula DAY hanggang NIGHT.







Pero marami ang nag-isip na may connection ang image sa meaning ng UNLIMITED. Gaya ng na-ishare ko sa inyo last weekend dito sa blog, lumalakas ang hinala na ang di umano'y mga Bahay ni Kuya ay mayroon sa Manila, sa Visaya, sa Mindanao at baka meron pa rin sa ibang bansa, like what Direk Lauren said, expect Unlimited Possibilities this season. At take note ilang araw ko ng di nadarama sa Twitter si Kuya Martin Concio at like what I said kanina, wala siya sa presscon tonight. Pero until now rumor pa rin ito. Meron din akong nasagap na talagang mawawala na ang YELLOW image ng PBB House dahil nga sa di na nila kapartner ang Globe Asiatique dahil sa pagkasangkot nito sa kontrobersiya.

Tanong pa ng ilan, bakit todo promote sila sa Twitter account ni Big brother na @OfficialPBB4, may nagsasabi na gaya daw ito sa ibang version ng 'Big Brother' sa ibang bansa na ang mga Housemates o Houseguests o Participante ay nakakapag-tweet sa loob ng Bahay pero di nila mababasa ang response (tweets) ng viewers.

I'm sure like me ay excited na kayong malaman ang mga UNLIMITED na pasabog ni Kuya at kung anu-ano sa mga rumors na ito ang magiging totoo. Kaya naman sabay-sabay nating panoorin ang 'THE BIG FIESTA: Pinoy Big Brother Unlimited (Opening Night)' sa October 29

Photo 1 via Suzuki Fan page
Photo 2 by Cutie Marcus
Photo 3 via PinoyBigBrother.com


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email.
If you have events or want to put your ads to my blog just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS