Dating Kapamilya, Balik Kapuso Na!; Marian Rivera Lalayasan ang Laban ni Pacquiao


Share


YUCKIE: Ang photo na ito ni Concealer King Ronnie Liang. Sino na mag-aakala na ang isang La Ocean Deep eh magkakaroon ng prefume line, ikaw na ang malapit kay Joel Cruz. Iba talaga ang karisma ng mga lalakeng lumalaklak ng concealer. Aba malay naman natin super bango ng Ronnie Liang Scent for Men and Women... yung tipong magkaka boy/girlfriend ka kapag lumaklak ka. LOL!


SO-SO: Ronnie Liang nasa Book 2 ng Epic at Educational seryeng 'Amaya'! Ansave ng concealer. Uy, balik Kapuso na si Ate!

WINNER: Kapuso Child Superstar Jillian Ward nag-diet!!! Di na muna siya lumalamon ng chocolates at lumalaklak ng soft drinks. Ayon sa kanyang mother puro masusustansyang pagkain muna ang kinakain ng kanyang cute at di medyo talented na anak.

WINNER: Ang pahayag ni Palengke Queen Marian Rivera na kapag di na daw niya makayanan ang panonood ng live ng laban ni Manny Pacquaio sa Las Vegas next month eh lalayasan daw niya ito. I'm sure ang mukha ni Manny ang di niya matiis o kaya naman ang pag-eEnglish ng host or announcer. I love Marian!

YUCKIE: Ang reaction ng ilang fans ni Sarah Geronimo na di nila matanggap na natalo ng pelikula ni Anne Curtis na 'No Other Woman' ang pelikula ni Sarah na 'You Changed My Life' bilang Highest-Grossing Pinoy Film of all time. Ay naku tanggapin na lang nila no, I'm sure gagawa pa ng pelikula ang idols nila at manood sila ng bongga para mabalik kay Sarah ang trono.

WINNER: Ang unang pagsabak ng 'Biggest Loser Pinoy Edition' 1st Runner-up Art Mendoza sa pelikula. Kasama siya sa upcoming movie nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz. Nawalan man sya ng timbang eh may bago naman syang career na tatahakin. I'm sure proud sa iyo si Jessica Soho.

WINNER: Ang pagbabalik France ni Billy Crawford para sa kanyang naiwang International Career doon. Early next year ang alis ni Billy at aabot daw ito ng ilang buwan at kung magtagumpay ay baka lalo pang tumagal ang pamamalagi niya roon. Fan talaga ako ng 'Big Lights'. Go Billy Joe!!! Make us proud!!1

WINNER: The UK trailer of 'Woman in Black' which will be shown February next year.








Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS