3 Kapamilya Shows Magbabalik Ngayong October


Share



Tatlong Kapamilya shows na talaga namang na-miss natin ang magbabalik ngayong October.

Una na nga dyan ang Travel Show ng Bayan Productions ang 'Trip na Trip' na magbabalik ngayong October 28, Friday. Balita ko ha may mga yummy boys na makakasama si Kat de Castro na talaga namang magpapagising sa Friday nights natin.

Ikalawa ay ang pagbabalik ni Big Brother sa kanyang Super Bonggang Bagong Bahay para sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'. Kilalanin ang mga bagong Housemates na titira sa Super Bonggang Bagong Bahay ni Kuya at alamin kung bakit tinawag ang season na ito na epic, grandest at Unlimited. Ayon sa nasagap ko sa October 29 na ito magsisimula (pero hinde pa sure ang petsa na yan, ang tanging kumpirmado lang ay sa End of October ito magsisimula).

At pagdating naman ng Linggo, October 30, magababalik ang 'Magandang Gabi Bayan' para sa isang natatanging Halloween special. Ay naku noong bata pa ako ayaw na ayaw kong manood ng 'MGB Halloween Special' kasi takot ako pero ang ending eh nanonood pa rin ako, pero super ang takot ko naman kaya ilang linggo din naman akong hinde makagala. Nang malaman ko ang balitang ito eh ngayon pa lamang eh natatakot na ako. Nawala sa ere ang 'Magandang Gabi Bayan' matapos pumasok ang host nito na si Kabayan Noli de Castro sa pulitika at ngayon ngang nagbabalik telebisyon na siya eh dapat lang namang magbalik ang 'Magandang Gabi Bayan'

Photo by ABS-CBN News


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    March 22, 2012 at 9:13 PM | Permalink

    ahh..... gusto ko talga ang MGB!!!!!!!
    tama ka byx kahit nakakatakot.....maganda panoorin.....

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS