Nora Aunor Nahuling Nagka-Casino!


Share



Balita ngayon sa mga pahayagan ang di umano'y pagpunta ng Supertsar Nora Aunor sa isang casino.

Ayon pa sa mga balita di alam ni Lola Guy na maraming tao ang pupuntahan niyang Casino kaya kahit alam na marami ang makakakilala sa kanya eh go pa rin ang lola ninyo at umaasang may himalang mangyari na di sya makilala ng mga taong nandodoon.
Ayon sa Blind Item ni Manay Lolit Solis na lumabas ngayong araw sa  kanyang kolum sa Pilipino Star Ngayon na di umano't tinalo nito ang kalahating milyon...

Tsk... Tsk... Tsk... Oo nga at wala tayong pakialam sa pera niya, pinagpaguran niya iyon at wala naman din akong nakikitang masama sa pagka-casino pero ang gumastos ng malaki ay parang nakakapanghinayanang. Bilang artista, marami ang humahanga sa iyo, iniidolo ka at ginagaya ka, so parang di magandang imahe ang iyong ipinapakita na maaaring gayahin ng iyong mga taga-hanga.

Kung naiinis ka sa Kalahating Milyon mo bakit di mo ibigay sa charity kesa naman sa Casino....

2 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS