KUMPIRMADO: Mariel Rodriguez Umalis na sa 'Pinoy Big Brother Unlimited'


Share



Usap-usapan nga hanggang ngayon ang balitang pag-alis ni Mariel Rodriguez sa 'Happy Yipee Yehey! dahil daw sa feeling niya aya ayaw sa kanya ni Toni Gonzaga na nakaaway niya before. Bali-balita rin ang paglipat ni Mariel sa TV5 matapos daw hinde pumayag ang ABS-CBN na taasan ang kanyang talent fee. Ng tanungin si Robin Padilla tungkol sa nangyayari sa career ng asawa, ay sinabi nitong wala siyang pakialam kung ano man ang maging desisyon nito.

Bago pa magsimula ang 'Happy Yipee Yehey! noong February ay pinagbati ng ABS-CBN sina Toni at Mariel dahil nga magsasasama sila sa show. Marami ang natuwa sa pangyayaring tio, at isa na nga rito ay ang Business Unit Head na si Direk laurenti Dyogi na may hawak ng 'Pinoy Big Brother' pero ayon sa kanya ay nalungkot siya at na-disappoint sa naging desisyon ni Mariel. Kinausap pa daw niay si Mariel na bumalik at maging host sa nalalapit na 'Pinoy Big Brother Unlimited' pero yun nga ay tuloy na tuloy na ang paglipat nito:

It's a great weekend! Tiring week...last auditions for pbb in LA, and had to let go of a dear friend :(

Tried my best to make her stay but I guess she has better plans and options...I can only wish her the best ...

Of course I feel bad and disappointed ...well that's life and part of the present showbiz setup.

In life we need to learn how to value meaningful relationships!

@iamsuperbianca in the future, whatever happens, you always need to talk to me first before making a decision! Promise me that!


Nang tanungin ko ang staff ng PBB tungkol sa pag-alis ni Mariel, eto naging sagot niya:
Mas maexcite ka na lang sa mga bagong housemates. Sila naman ang highlight ng show and we have very diverse housemates this season.

Oh well, masakit bila ng isang fan ang paglisan ni Mariel sa Bahay ni Kuya kasi isa sya sa mga original hosts nito at sya lang yung PBB na nakagawa ng 8 seasons. Pero yun nga we need to move on. Oh well sana isa kina Bekimon, K Brosas, Nikki Gil, Venus Raj, Phoemela Baranda ang pumalit kay Mariel, o sana bonggang host din ang pumalit. I remember noong 2005, season 1 ng PBB, inis na inis ako kay Mariel dahil bulol sya mag-host pero sa show na ito sya nag-bloom at pinakita niya na karapat-dapat syang maging host. I am going to miss her at sana in the future ay magbati sila ni Toni, ayaw ni Kuya ng ganyan.

Okay let's move on!!! Si Kuya daw ay may major big surprise at totoo bang kapag pumunta ka sa ABS-CBN ngayon ay di mo makikita ang Bahay ni Kuya dahil sa malaking pagbabagong ginagawa rito?

Malalaman natin yang ngayong October

Photo 2 by ABS-CBN
Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page. Subscribe thru Email. Thanks for loving my blog!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS