Boy Abunda Kasama na sa Bandila Simula October 3


Share





Halos sampung buwan matapos maging parte ng 'Bandila' sina Julius Babao at Karen Davila ay nakatakdang mag-reformat ang nasabing late-night news cast sa mas malawak, mas malalim at mas maagang pagababalita.

Ang mga pinagkakatiwalaan ay magsasanib pwersa na simula September 12 ay makakasama na nila si Boy Abunda para magbigay ng balita tungkol sa entertainment, lifestyle, arts & culture and personalities stories so kahit mawala man ang 'SNN' ay daily Showbiz news pa rin tayo na sana this time ay mas malalim ang pagtalakay.

Kalevel na ni Boy Abunda ang ganda ni Gretchen Fullido. Bagay kay Titio Boy ang programang ito dahil napatunayan niyang di lang syang tsismosong at pang-masang host bagkus isa syang mas malalim na TV host na napatunayan niya sa 'The Bottomline'.

Makakasabay na ng 'Bandila' ang 'Saksi' sa mas maagang oras at umaasa ako na mapapataob nila ito. Super late kasi ang 'Bandila' kaya mababa nagiging ratings nito.

Ngayong gabi nga raw ginaganap ang camera test, at TV plug. At ang mga litrato sa itaas ay pagmamay-ari nina Julius Babao and Ces Drilon na kinuha ilang minuto lang ang nakaraan.

UPDATE: Inanunsyo ngayong gabi sa 'TV Patrol' na sa October 3 na raw ito mag-uumpisa imbes na September 12.

Photos by Julius Babao and Ces Drilon

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS