Teleseryeng 'Nasaan ka Elisa?' Ilalagay sa Primetime Bida?


Share




Hinde nga nasunod ang plano ng ABS-CBN para sa Kapamilya Gold kung saan ilalabas nila ang mga teleserye nilang may quality na pang-primetime sa afternoon block nila.

Isa nga dapat sa mga teleseryeng ito ay ang Pinoy adaptation na 'Nasaan ka Elisa?'. First quarter pa lang ng taong ito ay umeere na ang mga TV plugs nito at dapat noong summer pa ito nagsimula pero June na wala pa rin/

Ayon sa nabalitaan ko, di umano'y may contract clause ang dalawa sa cast nito na sina Agot Isidro at Albert Martinez na ang mga teleseryeng gagawin nila sa Kapamilya station ay sa primetime lamang eere, pero bakit ang 'Agimat' ni Ms. Agot ay sa hapon lumabas? Pero kung sa bagay dapat talaga sa primetime yun.

Isa pa raw dahilan ay di umano'y di raw bagay sa Hapon ang mga maseselang eksena at istorya ng teleseryeng ito sa Hapon ayon sa MTRCB. Kaya raw dapat sa late part ng Primetime Bida daw ito dapat ilagay. Dagdag pa sa nasagap ko, hinde raw mailagay ito sa Primetime dahil punong-puno na ang mga TV shows ang nasabing primetime block.

Ay naku bet na bet ko ang show na ito dahil sa kakaibang istorya nito kaya excited na akong mapanood ito.

Photos by ABS-CBN and Telemundo

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS