Primetime Bida ng ABS-CBN Haharap sa Bigateng Pagbabago


Share


Ang Primetime Bida, ang nangungunang primetime block sa Pilipinas ay haharap sa isang bigateng pagbabago.

Mula sa naghatid sa inyo ng mga di malilimutang reality shows ng Pilipinas - 'Pinoy Big Brother' at 'Pinoy Dream Academy', ipinagmamalaking inihahatid sa inyo ng ABS-CBN, sa pangunguna ng unit ni Direk Laurenti Dyogi, ang pinaka-aabangang pinakabigateng reality show ng bansa ang 'Biggest Loser Pinoy Edition'.

Subaybayan ang 12 bigateng Pinoy, na titira sa isang bigateng training camp sa Cavite, sa pagharap sa kanilang bigateng hamon na magpapabago sa kanilang buhay. Samahan sina Ms. Sharon Cuneta at Game Master Derek Ramsay sa paghanap ng Big Winner na sya ring Pinoy Biggest Loser.

'Biggest Loser Pinoy Edition' ngayong May 30 na sa Primetime Bida ng ABS-CBN

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS