GMA Itatapat ang Teleserye ni Claudine sa Teleserye ni Gretchen na 'Alta'?


Share



Sa wakas ay magkakaroon na ng teleserye si Claudine Barretto sa Kapuso station, na kung saan siya ang magiging pangunahing bida.

Marami din ang nag-antay sa kung ano ang magiging unang teleserye ni Clau sa GMA. Ayon sa ulat, nagustuhan ni Clau ang story kaya nag-yes na siya sa proyektong ito. Malapit na rin raw magsimula ang taping nito. As of now, wala akong idea kung ano ang story nito at kung sino-sino ang makakasama ni Clau rito.

But wait, kumpirmado na nga ang pagbabalik ni Gretchen Barretto sa teleserye. Gaya ng mga nauna kong na-ibalita, 'Alta' ang title ng susunod na teleserye ni Greta na mula pa rin sa Star Cinema, na naghatid sa atin ng 'Magkaribal'. Malapit na rin magsimula ang taping nito at gaya na ng naibalita before sa 2nd part ng 2011 eto eere.

Pero ayon sa usap-usapan sa Internet, mukhang itatapat ng GMA ang teleserye ni Clau sa teleserye ni Greta. Papanig ako sa 'Alta' kasi mas magaling umarte si Greta, bongga ang cast nito, at iba gumawa ng teleserye ang Star Cinema. Yun na!

Photo by Roxy Liquigan

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    May 19, 2011 at 11:34 AM | Permalink

    Greta mas magaling kay Clau? You must be crazy. Claudine is arguably the most talented actress of her generation along with Judy Ann Santos. Clau has won several best actress awards while Greta has won nothing. Claudine has appeared in 10x more teleserye than greta and is known by everyone as the optimum teleserye queen. Critics love her dramatic prowess. Everybody is saying she is the next Vilma Santos. What have they got to say about Greta? She's only been in one previous teleserye so for you to say that she acts better than Claudine is absurd. Hands down, Clau is 10x a better actress than her sister. Sorry Greta but you can't act...

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS