Bida ng Teleseryeng 'Atom' na si Bugoy Carino Naaksidente at Nalamog?


Share


Napabalitang naaksidente at nalamog ang bida ng teleseryeng 'Atom' na si Bugoy Carino sa concert ni Justin Bieber kagabi, ayon na rin nga sa tweet ni Ogie Diaz.

Pero ayon sa kampo ni Bugoy, wala raw katotohanan ang kumakalat na balita sa Twitter.

Safe at unharmed po na nakauwi kagabi si Bugoy from Justin Bieber Concert. Pinagkaguluhan po sya kagabi sa concert grounds pero hindi po totoong "nalamog" at "na-hospitalized" kagaya ng kumalat kagabi sa "Twitter". Nag enjoy sya kagabi sa concert, special thanks to Perez family, Sir Jojie at sa mga umalalay kagabi kay Bugoy, mula kay Bugoy thank you din sa mga nagpapicture kagabi at nag hi sa kanya. God Bless.

Sa kasalukuyan di pa nagsisimulang mag-taping ang teleseryeng 'Atom' na under ng Star Cinema. Pero ngayong Mayo na raw baka magsimula ang taping nito.

Photo and Source: Bugoy Carino's Fan Page

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS