KUMPIRMADO: Zanjoe Marudo & Sam Milby Kasama sa Teleseryeng 'Alta'


Share


Noong mga nagdaang linggo nga ay ibinalita ko sa blog na ito ang tsismis na nasagap ko na di umano'y magsasama sa isang higanteng teleserye ng Star Cinema sina Gretchen Baretto, KC Concepcion, Angelica Panganiban, Sam Milby at Zanjoe Marudo. Noong una nga ang title ng seryeng ito ay 'Pinulot Ka Lang sa Lupa' hangagang sa maging 'Alta-Sosyedad' hanggang sa kinumpirma ko na nga na 'Alta' na ang magiging title nito.

Di rin nagtagal ay kinumpirma ko na rin na ang mga gaganap na 'Alta' girls ay sina Gretchen, KC at Angelica. At kahapon nga ay ginanap ang story conference ng seryeng ito at dito i-shinare ng 'Magkaribal' at 'Alta' headwriter na si G3 San Diego ang litrato kung saan kasama niya ang dalawang 'Alta' boys.


Itong litrato ngang ito ang nagkumpirma na kasama nga sa seryeng ito sina Sam Milby at Zanjoe Marudo. At balita ko pa ay mga pasabog at kakaibang Sam at Zanjoe ang masasaksihan natin sa seryeng ito.

Para sa iba pang news at trivia sa seryeng ito ay i-search lamang sa blog kong ito at para sa latest updates ay palaging pumunta sa blog na ito.

Photo owned by G3 San Diego

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS