Kaabang-abang ang Lead Stars ng 'Mula sa Puso'


Share



Mahigit isang linggo na rin ang nakakaraan ng kumpirmahin ko rito sa blog kong ito na sina JM de Guzman, Lauren Young at Enrique Gil ang magbibida sa remake ng teleseryeng 'Mula sa Puso' na pinagbidahan noon nina Rico Yan, Claudine Barretto at Diether Ocampo. Ngayong araw nga ay kinumpirma na nga ng ABS-CBN ang balitang ito pati na rin yung name ng iba pang panalong cast like Eula Valdez at Dawn Zulueta.

Noong isang araw nga ay ginanap ang photo shoot para sa poster at publicity photos na ibinalita ko rin dito sa blog na ito. Infairness, kahit bastos sa bakla itong si JM de Guzman eh mala-anghel ang kanyang kagwapuhan rito, at infairness bagay siya sa role ni Rico Yan. Si Enrique naman ay bagay din sa role ni Michael na isang mayamang binatang lalake, tindig pa lang niya mayaman na, di ba? At napaka-refreshing to see Lauren Young as a lead star pakiramdam ko gugulatin niya tayo sa seryeng ito.

Kapag nakikita ko ang mga photos na ito ay na-eexcite na ang beauty ko...




Thanks to ABS-CBN for the photos

2 Comments

  • gravatar Norma Parcon
    March 3, 2011 at 3:26 PM | Permalink

    ang guapo ni JM at enrique...bagay sila sa role, si Lauren hindi nman siguro siya ilalagay dun kung hindi nakitaan ng husay at potential....medyo kahawig nman nya si Claudine...

  • March 3, 2011 at 8:45 PM | Permalink

    tama

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS