Derek Ramsay Sasabak na sa 'Biggest Loser Pinoy Edition'


Share



Ngayong summer na nga darating sa Pilipinas ang pinakamabigat na reality show na nagmula pa sa USA, ang 'Biggest Loser Pinoy Edition'. Isa ito sa programang ipapakilala bukas sa Kapamilya Gold Trade launch.

For the very first time ay makikita na natin si Mega Star Sharon Cuneta sa Primetime Bida ng ABS-CBN bilang host ng reality show na ito. Makakasama niya rito si Derek Ramsay, mga trainor at siyempre ang mga bigateng contestant.

Balita ko sa labas ng Metro Manila ang location ng programang ito. Eh simple lang naman ang show kung sino ang may pinakamalaking nawalang timbang o ang may pinakamalaking naipayat ang siyang tatanghaling Big Winner.

Ang mga programang ito ay mula sa unit ni Direk Laurenti Dyogi na nagbigay sa atin ng mga reality shows na 'Pinoy Big Brother', 'Pinoy Fear Factor' at 'Pinoy Dream Academy'.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS