Dapat bang mamatay sina Lia at Matteo sa 'Imortal'?


Share



Nalalapit na nga ang pagtatapos ng pinaka-astig at pinakamagandang fanteserye ng bansa, ang 'Imortal' (kung kelan, i-click mo ito).

Marami na ngang 'Imortal' fans ang nagtatalo kung ano ang magiging katapusan ng istoryang ito at kung ano ang mangyayari sa pag-iibigan nina Lia (Angel Locsin) at Matteo (John Lloyd Cruz).

Ang suhestiyon ng nakararami ay dapat mamatay sina Lia at Matteo dahil imposibleng magsama ang isang bampira at isang taong lobo. At saka ano raw ang magiging anak nila kung magkakatuluyan sila kaya dapat raw mamatay ang mga ito.

Suhestiyon ng ilan ay dapat raw mamatay ang isa kina Lia at Matteo. Pero kapag namatay ang isa sa kanila, nangangahulugan daw iyon na mamatay ang lahi ng mamatay na takda. At saka napaka-saksak tigyawat ang ganung ending, oh well.

Ayon naman sa ilan, naniniwala pa rin sila sa kapangyarihan ng wagas na pag-ibig at ang hindi mamatay na "... And they live happily ever after". Naniniwala rin sila na ang wagas na pag-iibigan nina Matteo at Lia ang magbibigay kapayapaan sa dalawang lahing naglalabanan ng pangil sa pangil - ang mga Taong Lobo at Bampira.

Kayo ano sa tingin ninyo? Ano ang dapat na maging katapusan ng teleseryeng 'Imortal'?

Photo by Roxy Liquigan

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    March 16, 2011 at 10:09 PM | Permalink

    sa kagat ng wagas na pag-ibig, magiging tao silang dalawa

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS