'Cedie' Gagawing Teleserye ng ABS-CBN?


Share



Usap-usapan sa umpukan ng tsismisan ang balitang balik TV at balik Kapamilya ang munting prinsipe na si 'Cedie'. But this time daw ay hinde isang cartoon series pero isang primetime Teleserye and guess what kung sino ang magbibida? Ang gaganap na 'Cedie' ay ang child star na si Zaijan Jaranilla.

Isa sa paborito kong panoorin noong bata ako ay ang cartoon series na 'Cedie: Ang Munting Prinsipe' at nang malaman kong may nangangamoy na magiging teleserye ito ay talaga namang napa-tili ako sa tuwa at napakanta ako ng "Today is Friday, tomorrow is Saturday and Sunday comes afterwards we we we so excited. Fun! Fun! Fun!"

If ever na matuloy ito eh ngayon pa lamang ay marami na ang mga nanghuhula kung sino-sinong artista ang makakasama rito ni Zaijan.

But wait kung primetime ito papaano na ang robot-serye ng Star Cinema na 'Atom' na pagbibidahan nina Bugoy Carino at Jomari Yllana na ang balita ko ay mga June o July na ang airing (yan ay kung hinde mababago, alam mo naman sa ABS-CBN pabago-bago ang mga desisyon ng timeslot).

Sana nga matuloy ito dahil the new batch ng mga kidas ay nangangailangan ng mga ganitong klaseng programa.

Bi-bi-bi-bida Bi-bi-bi-bida bida best sa tag-araw! Bi-bi-bi-bingka Bi-bi-bi-bingka bibingka kayo dyan! x

Photo via thebarnacleboy.tumblr.com

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS