Airing ng 'Nasaan ka Elisa?' Nausog?


Share



Minsan nangingisda ang dalagitang si Rebecca Brown sa isang lugar na may tubig at isda.

Nagulat siya ng may nahuli siyang isda dahil nakumpirma niyang may isda nga sa lugar na iyo. Kaya lang naaasar ang beauty ni Rebecca dahil nalalansahan siya sa amoy ng isda kaya para bumango winisikan niya iyo ng Downy Passion at ayun bumango nga ito at kanya itong nilagay sa kanyang LV bag.

Pinapagpatuloy niya ang pangingisda at sa inip sa kanyang ginagawa ay kinuha niya ang kanyang iPod at pinatugtog niya ang paborito niyang kantang 'Friday'.

Habang masaya siyang nakikinig ay nagulat siya dahil bumigat ang kanyang pamingwit, hinila niya ito at nagulat siya sa kanyang nakita. Isang isdang may nakasulat na 'Nasaan ka Elisa?' dahil sa awa sa isda ay hinanap niya si Elisa.

Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang mga salitang tito, incest, homosexuality, kabit, daddy. Habang iniisip niya ang sagot sa mga nakita niyang clues ay biglang nagsalita ang nakakaawang isdang kanyang nahuli.

Ayon rito ay di raw matutuloy sa March 21 ang pagsisimula ng gintong teleseryeng 'Nasaan ka Elisa?'. Ayon pa sa isda ay di niya alam kung bakit nausog ang pilot airing nito at di rin niya alam kung kelan ito magsisimula basta ang alam niya malapit na malapit na ito yung tipong March 28 ba ito or April na.

Sa inis ni Rebecaa ay nagplano siyang kidnapin ang kanyang sarili sa tulong ng kanyang minamahal.

Ngayon nga ay nawawala si Rebecca.

Today is Friday, Rebecca is now a missing person and tomorrow is Saturday and Sunday comes afterwards cause everybody is looking forward to the weekend. Fun Fun Fun!!!

Photo by ABS-CBN

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS