ABS-CBN's Kapamilya Gold Malapit Na! Gintong-ginto!


Share



Isang araw habang naglalakad sa kalye ng MH del Pilar, Malate ang nagninining sa ganda na si Byx eh napahinto ito sa kanyang paglalakad dahil nakakita siya ng isang ginto.

Pinulot niya ito... tumingin sa paligid... nang malamang walang nakatingin sa kanya... muli siyang naglakad . Lumakad siya ng lumakad patungo sa Mabibi, Malate. Huminto muna siya sa tapat ng isang Motel doon tiningnan niya ang ginto. Nanlaki sa tuwa ang mga mata ni Byx, mata na nagpapakita ng excitement.

Mga gintong-gintong programa ng ABS-CBN ang kanyang nakikita na lalo pang magpapalakas sa TV station na ito. Gintong-ginto talaga ang kanyang nakikita dahil ang mga eto ay may kwalidad na pang Primetime Bida.

Lalo pang kuminang ang gintong kanyang hawak. Tinitigan niya ito nang makita niyang ang mga ito ay mula sa 3 unit ng ABS-CBN. Ang isa ay galing sa unit sa Star Cinema, yung isa naman ay sa unit ni Sir Deon endrinal at ang isa pay ay galing naman sa unit ni Direk Lauren Dyogi. Napangiti si Byx dahil alam niyang mataas ang kwalidad ng ginto dahil ito ay pawang mga remake mula sa iba't-ibang bansa.

Biglang nawala ang ginto sa kanyang mababangong palad... Sa kanyang paghahanap ay nakita niya ang mga salitang 'Nasaan Ka Elisa?'. Sa isip-isip niya na galing ang gintong ito sa Latin America at di nagtagal ay muling lumabas ang ginto.

Muli siyang naglakad... naglakad siya ng naglakad... malapit na siya sa Manila Zoo... hanggang sa uminit ang ginto. Tiningnan niya ito at nakita niya ang mga maiinit na eksena at lumabas ang mga salitang 'Maria la del Barrio'. Muli ay ngumiti si Byx dahil alam niyang ito ay nagmula sa Mexico.

Dahil sa kanyang nalalaman ay binigyan siya ng pabuya ng ginto.... Isang nakakasilaw na kinang ang ipinakita ng ginto... isang kinang mapapa-ibig ka sa ganda. Sa kinang na iyon ay lumabas ang mga salitang 'Mula sa Puso'.

Nawala ang kinang ng ginto nang biglang sumigaw ang isang matanda ng "Hapon! hapon!". Dahil sa takot na baka sakmalin siya ng matanda, tumakbo ng mabilis si Byx. Nang malapit na siya sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay napahinto siya at binasa niya ang isang text message. Isang text na mula sa isa sa kanyang mga source, ang source na nagbigay sa kanya ng mga balitang ito:

Sample 1 just click here
Sample 2 just click here

at ng marami pang ibang balita na naging buzz ni Byx.

Ayon sa text... mapupunta sa 6pm timeslot ang 'Maria la del Barrio' habang ang 'The Price is Right' ay mapupunta sa hapon. Biglang lumabo ang text... mukhang malabo ang naging mensahe ng text... pero ayon sa matandang nakita niya ay hapon ang gintong nakuha niya.

Tiningnan niya muli ang ginto. At sa muli niyang pagitingin rito ay nabasa niya ang mensahe ng ginto:

May magaganap na ABS-CBN Trade Launch next week.

At kuminang ulit ang ginto... iba't ibang programa ang kanyang nakita... programang na ilan nga sa mga ito ay na-ulat na niya... hanggang sa makita ang March 21 at nawala rin ito. Ngumiti siyang muli dahil naging ASB-CBN logo ang ginto. Isang Golden ABS-CBN logo... gintong-ginto ang kwalidad para sa mga bagong ginto na gintong programa.

Hinde pa rin sigurado ni Byx kung totoo nga ang nabanggit ng ginto. Basta ang alam niya ay kailangan niyang pumasok ng Bangko Sentral.

Pero di siya pinapasok ni Manong Gurad dahil may nakalimutan siyang pasalamatan.

Kaya pinasalamatan ni Byx si Erich Gonzales sa litratong nasa itaas at kay Ate Eliza sa pag-upload at pag-share nito.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS