Pelikula Nina Bea Alonzo, Vic Sotto at Pokwang Ngayong Abril Na


Share



So kumpirmado na nga ang pagsasama sa isang pelikula nina Bea Alonzo at Pokwang ng ABS-CBN at ni Mr. Vic Sotto ng TAPE, Inc at M-Zet sa iisang pelikulang pampamilya.

Matatandaang dapat si Toni Gonzaga ang makakasama rito nina Bossing Vic pero dahil sa problema sa schedule niya, minabuti ng Star Cinema na si Bea Alonzo na lang ang ipalit. Para sa akin risky ang naging decision ng Star Cinema dahil parang ito pa lang yata ang magiging 1st comedy flick ni Bea pero kung maganda ang kakalabasan nito, maaari itong magbukas ng panibagong pinto para sa career ng napakagandang young actress.

Ayon pa sa aking nasagap, nakatakdang ipalabas ang pelikulang ito sa Abril. Sa ngayon di ko pa alam ang title ng nasabing pelikulang ito.

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS