'Mula sa Puso' Remake, JM de Guzman & Charee Pineda ang Bida?


Share




Gaya sa Hollywood, uso din ang remake sa Philippine showbiz, after ng matagumpay na pagreremake ng 'Mara Clara', i-reremake din ng ABS-CBN ang 'Oka2Kat' at balitang i-reremake rin ang 'Mula sa Puso', isang 90s soap opera na pinagbidahan noon nina Claudine Barreto (bilang Via) at Rico Yan (bilang Gabriel).

Ayon sa aking nadinig, una daw itong inalok kay Nadine Samonte ng ma-expire ang kontrata nito months ago pero biglang kinuha ulit daw ng GMA itong si Nadine. At ngayon dahil sa chemistry ng tambalang ito, balitang sina JM de Guzman at Charee Pineda ang magbibida sa remake nito, na unang nagsama sa 'Alyna'. Actually kinikilig ako sa tambalang ito kapag nasisilip ko sila sa 'Alyna', pero naasar ako rito kay JM dahil sa bastos niyang tweets laban sa hukbong kabklaan pero humingi na siya ng sorry sa aming hukbo at bilang isang bakla ay napatawad ko na siya kaya okay lang. At mukhang deserving naman sila sa roles.

Sa original version din nga nito mas nakilala si Princess Punzalan bilang isang kontrabida at ang kanyang di malilimutang tawa habang pinapasabog ang isang bus. Bali-balitang si Eula Valdez ang kinukuha para sa role na una ngang ginamapanan ni Princess Punzalan.

Sa ngayon nga ay wala pang kumpirmasyon mula sa ABS-CBN kaya di nating masasabi na sila na nga pero ito yung kumakalat na bali-balita sa apat na sulok ng mga fans.

Photo by Hukbong JM, thanks

3 Comments

  • gravatar Anonymous
    February 9, 2011 at 10:26 PM | Permalink

    unlike... not because sina jm at charee ang bida, but because remake na naman, "mula sa puso" pa talaga, pde bang iwan nalang natin yan sa alaala ni Rico yan?

  • February 10, 2011 at 4:38 PM | Permalink

    nice thought

  • gravatar Anonymous
    November 27, 2011 at 8:02 AM | Permalink

    i like charee because shes beaurtifu

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS