'I ♥ You Pare' Ginaya sa 'Connie and Carla'


Share


Nakakaloka as in naloloka ako sa pandidiri.... eeeeewwwww

So eto na, sa Lunes na nga, 7 February 2011, ang umpisa ang bagong teleserye ng Kapuso station na 'I ♥ You Pare' na pinagbibidahan nina Regine velasquez at Dingdong Dantes, wala naman masama kung may bagong teleseryeng papanoorin ang mga kababayan natin. So okay may bago kayong teleserye then go...


Nandidiri lang ako kasi ano ba wala na ba kayong maisip na ibang konsepto Kapuso people, ano ba kinakain ninyo sa bahay, ha? Gusto ninyo ba ng Buy 1 take 1 burger? Bakit kailangan manggaya? Alam ninyo ba na etong bagong telserye ng Wilma Galvante station ay ginaya ang konsepto ng isang flop film na 'Connie and Carla' na pinalabas noong 2004.

Ay naku nakaka-disappoint, parati natin sinasabing na tayong mga Pinoy ay creative at talented pero nasaan na? Okay lang naman ang mag-franchise, walang masama roon pero eto hinde ito franchise bagkus ay isang uri ng chicharon-lang-ang-ulam-namin-sa-bahay-with-matching-suka. Akala ko ba Serbisyong Totoo, pero hinde ninyo ma-ipagtapat sa mga loyal viewers ninyo na eto po ang aming bagong handog na telserye ay hinango po namain sa isang film chuva.

Ay naku, palagi na lang ako binibigo nitong istasyon na ito. Eh mas masarap pa yata kinakain ng mga tao sa TV5, ABS-CBN, ETC at Net25... Eto pa hinde pa kayo friendly, ay naku... bakit ba? bakit ba? Bata, bata paano ka kinopya?

Eh kung ganito na lang pala ang gusto ninyo, eh tama nga ang desisyon ninyo na gayahin ang 'Imortal' ng Dos, oo nga, iba ang story ng sa inyo, pero wag ka sumasabay kayo sa taas ng ratings vampire teleserye ng Dos, kaya may I isip kayo ng Vampire serye din ninyo ahahaha...

Oh by bthe way, dahil mabait si Papa Dingdong Dantes at matalino pa, panoorin ninyo ang 'I ♥ You Pare' sa Lunes na yan!!!

Poster by Spyglass Entertainment and Universal

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS