'Happy Yipee Yehey' Kulang sa Aliw Factor


Share


WINNER: Si Valerie Concepcion bilang guest co-host ng 'E Live'. Carry na ni Val ang maging host ng isang talk show. Halatang maraming natutunan si Val sa ilang taon din niyang pagiging noontime show host.

WINNER: Ang pagrereformat ng talent show na 'Showtime'. Bumalik na ulit ang 'Showtime' na dati kong kina-aliwan at sinubaybayan, talaga namang nainis ako sa spoof theme nila, buti na lang inalis at muling binalik sa dati.

WINNER: Ang mga ABS-CBN News personalities na sina Ted Failon, Gus Abelgas, Karen Davila at Ted Failon na naging judges sa 'Showtime' kahapon. Mas magaling at mas may saysay pa silang maging judge kaysa sa mga ilang artistang naging judge sa show na ito.

YUCKIE: Ang pilot episode ng bagong noontime show ng ABS-CBN na 'Happy Yipee Yehey' kulang sa aliw factor, di kagandahan ang presentation, hinde bumenta ang patawa, panget ng stage parang stage ng 'ASAP' ten years ago, at medyo nakaka-antok. Tapos puro mga guests ang napanood ko, wala masyadong segment games na pinakita, para tuloy 'PO5' na isang malamya at baduy na show. Infairness, yung pangangapa ay understable naman yan dahil sa bago pa nga ito. At sure naman ako ma-iiimprove nila ito gaya ng stage, syempre yung sa Ynares eh hinde naman nila studio yun, hinde pang-araw-araw, malalaman natin bukas kung may pasabog ba ang stage nila.

WINNER: Ang muling pagsasama nina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales sa isang stage. Nakaka-iyak at na-miss ko talaga sila ng husto.


WINNER: Ang muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya (Bahay-bata ni Kuya) para sa 'Pinoy Big Brother (Season 4)'

WINNER: Ang pagsisimula bukas ng 'Green Rose'!!!

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS