Eula Valdez, Gretchen Baretto Kasama sa Remake ng 'Mula sa Puso'


Share



Kanina nga ay ibinalita ko rito sa blog kong byxbuzz na sina JM de Guzman at Lauren Young ang magbibida sa 2011 remake ng 'Mula sa Puso' (read here) habang si Enrique Gil naman ang magiging ka-love triangle nila (read here). Ang pinaka-nagmarkang eksena sa original version nito ay ang pagtawa ng character ni Selena habang pinapasabog ang bus, na unang ginampanan ni Princess Punzalan.

Sa 2011 remake naman, ang nagbabalik-Kapamilya na si Eula Valdez nga ang magbibida sa napakabonggang role na ito. Yup na-ibalita ko nga ito dati at ngayon nga ay kumpirmado na. May bali-balitang makakasama niya rito si Rocky Salumbides, o di ba ang saya?

May balita ring pasok si Gretchen Baretto sa seryeng ito pero ang sabi-sabi ay special participation lang ang drama niya rito dahil gagawin niya ang kanyang teleseryeng 'Alta'. Alam naman natin na si Gretchen ang kapatid ng original na bida nito na si Claudine na ngayon nga ay nasa Kapuso station na.

Si Dawn Zulueta naman daw ang gaganap sa papel na Magda na unang ginampanan ni Jaclyn Jose. Siya ang gaganap na nanay ni JM de Guzman sa nasabing serye. Si Gabby Concepcion naman daw ang magiging Don Fernando, na tatay naman ng karaketer ni Lauren Young na si Via. Ang papel na ito ay unang ginampanan ni Juan Rodrigo. Si DJ Durano naman ang gaganap sa papel ni Ysmael na ginampanan noon ni Efren Reyes, Jr.

Si Direk Wenn Deramas raw ang nakatakdang mag-direk nito na siya ring nag-direk ng original version nito. Ang nasabing teleserye ay nakatakdang umere ngayong taon sa pamumuno ni Laurenti Dyogi.

Photo created and owned by Jeany

0 Comments

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails


LATEST COMMENTS