Clarence at Brenna Nagwagi sa 'Star Circle Quest (SCQ) for the Next Kiddie Superstars'


Share



Kaninang hapon, 17 February 2011, ginanap ang taping ng final episode o grand finals ng 'Star Circle Quest (SCQ) for the Next Kiddie Superstars' kung saan host si KC Concepcion with Bugoy Carino and Xyriel Manabat. Nandoon sa event na iyon ang 3 judges na sina Gladys Reyes, Vina Morales, at Rowell Santiago at syempre nandoon din ang Magic Circle of 6 na sina Kristoff, Maurice, Jelo, Brenna, Clarence, at Veyda. Naging guest naman ang child star na si Zaijan Jaranilla na kumanta with Xyriel and Bugoy.

Ang naging highlight ng episode na ito ay siyempre ang pag-anunsyo ng mga winner, ang mga bagong Boy and Girl Grand Kid Questors. Sa lalake, si Clarence (Little Mr. Funny Guy) ang nagwagi, na nag comedy and dance sa kanyang final performance. Habang si Brenna (The Dancing Darling) naman ang nagwagi sa mga babae, na nag hiphop dance sa kanyang final perfomance.

Ang mga winners ay makakatanggap ng 400,000 Pesos, contract with Garfield worth 100,000 Pesos, STI Scholarship and Star Magic contract.

Ang nasabing episode ay mapapanood bukas ng gabi sa ABS-CBN!!!

Congrats kina Clarence and Brenna. Yehey sila ang winners!!!

1 Comment

  • gravatar Anonymous
    February 20, 2011 at 2:03 PM | Permalink

    nc brenna!

Leave a comment

Related Posts with Thumbnails

LATEST COMMENTS